Direktor ninakawan ng driver, aktres na-swindle ng milyones

Ninakawan ng pinagkatiwalaan niyang driver si Direk Jose Javier Reyes. Nauna nang nabik­tima ng kanyang driver si Direk Rowell Santia­go, mga two years ago. Naalala lang nito ang tungkol kay Rowell nang manakawan din siya ng kanyang driver.

Walong taong nakasama ni Direk Joey ang nasabing driver bago siya ninakawan. “Dinadala niya ‘yung sasakyan ko na andun ang wallet ko. Hindi ko alam, ninanakawan na pala niya ako,” nanggigigil na kuwento ng isa sa mga hurado ng Star Factor, ang bagong talent search ng TV5 kasama sina Annabelle Rama, Ryan Ca­yab­yab, Raymund Isaac and Audie Gemora.

More than P50,000 din ang nanakaw kay Direk na ngayon ay certified Kapatid na.

Kumukuha raw ito ng check sa kanyang check book at saka pinapa-encash sa bangko.

Since alam ng mga empleyado ng bangko na siya ang driver ni Direk, pinapalitan ang tseke na hindi na bini-verify. ‘Yun pala, peke lang ang pirma nito.

Ang ikinasasama ng loob ni Direk, itinuring niyang kapamilya ang nasabing driver. Lahat nang tulong ay ibinigay niya. Kaya nang ma­diskubre niya ang ginawa nito, sa sama ng loob, umiyak siya.

Iba naman ang kuwento tungkol kay Direk Rowell. Mas malaki raw ang nanakaw ng driver din nito. ATM ang tinira ng driver sa mas kilala na ngayong concert director.

Hindi raw namalayan ni Rowell, nauubos na pala ang laman ng ATM niya. More than half a million daw ang nawalang pera kay Rowell.

Si Direk Joey ang nagkuwento tungkol dito.

Ipina-blotter na ng magaling na direktor ang dating driver niya at nagpapalit siya ng lahat ng lock sa kanyang bahay.

Naunang nabalitang ninakawan sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ng cook naman nila.

Hindi pera ang nanakaw sa kanila. Mga gamit na kinuhang unti-unti hanggang sa naipon na nang dumami ay nadiskubre nila.

At kahapon, naka-post sa Twitter account ni Ciara Sotto :  

“I’m looking for Anchit Santiago, she swindled my Mom millions of pesos worth of jewelry, she was my sis’ schoolmate pa in Assumption?!

“Any lead to her is soooooooooo needed & may be rewarded... Also, Roque Alpapara, give back my father’s car! That Alpapara guy is in Makati right now, and hit all the cars to get away from the highway patrol!!!

“Come on NBI Makati!!! Do ur job!!! Ang dami na-disgrasya ngayon!” Pero walang official report na lumabas tungkol dito hanggang sa sinusulat ko ito.

Show comments