Noong Sabado, sa Mega Drama concert ng ating kaibigan na si Sharon Cuneta ay nag-guest si Ogie Alcasid. Sa nasabing guesting ay ibinisto raw ng Megastar si Ogie sa audience ng Araneta na magpapakasal na sila ng kanyang girlfriend na si Regine Velasquez. Isa si Sharon sa mga kinuhang ninang nina Ogie at Regine kaya alam ng Megastar na magpapakasal na ang dalawa. “It’s going to be a hindi malaking wedding just with close friends and family. Isang wedding na magugustuhan niya, ikakasaya niya hindi ko nga sasabihin ‘yung venue, hindi ko sasabihin ‘yung date, basta it’s going to be this year,” nakangiting pahayag ng singer sa amin sa The Buzz.
Ang kumpirmasyong ito ay nangangahulugang annulled na ang kasal ni Ogie sa dating asawa na si Michelle Van Eimeren.
“I’d just like to announce also na nagkaroon na po ng finality ‘yung nullity of marriage po and it was final - June 21 kaya ako nag-announce. I’m preparing ‘yung mga kailangan pang requirements para ma-pursue ko siyempre yung buhay namin ni Regine,” dagdag pa ni Ogie.
Invited kaya si Michelle sa kasalang ito? “Actually, kasi si Michelle ay magaling mag-organize at mag-ayos ng flowers so hiningi ko ‘yung tulong niya pero hindi naman lahat. Darating din ‘yung mga anak namin at si Mark (husband ni Michelle) also will be there,” pagtatapos ni Ogie.
Ogie and Regine are two most beautiful people in the industry. Natutuwa ako na naging bahagi sila ng buhay ko.
Nang bumalik ang aking kaibigan na si Kris Aquino mula sa kanyang bakasyon sa Amerika ay sinagot n’ya sa airport pa lamang ang lahat ng intrigang ikinakabit sa kanya. Isa na rito ay ang pagli-link sa kanya kay Coco Martin.
Laking gulat ni Kris sa isyung ito kaya naman nabanggit niya sa atin na si Erich Gonzales daw ang pinopormahan ni Coco. Marami ang nagulat sa statement ni Kris. Ayon naman kay Erich ay nagte-text lang daw sa kanya si Coco, at “nice” naman daw ang binata sa kanya.
Ayaw ding mag-assume ni Erich na panliligaw na ang ginagawang pagte-text ni Coco, kinukumusta lamang daw siya nito.
Hindi pa rin daw lumalabas para mag-date ang dalawa. Nagkasama lamang ang dalawa sa isang out of town show sa shooting noon ng pelikulang Noy na pinagbidahan at produced ni Coco kung saan ay isa rin si Erich sa mga bidang babae.
Nakakailang din naman na kay Erich manggaling na nililigawan nga siya ni Coco. Kaya sana naman ay si Coco ang umamin kung ano ba talaga ang status nila ni Erich. Kung tutuusin naman ay bagay sina Erich at Coco.