^

PSN Showbiz

Sarah kailangan ng personal bodyguard

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ikinaloka ko ang karanasan ni Delfin Gero­nimo sa parking lot ng ABS-CBN noong Linggo. Mahigpit ang security sa ABS-CBN pero napa­sok pa rin ito ng tao na nagtangka na naka­wan ang tatay ni Sarah Geronimo.

Pero mukhang hindi lamang pagnanakaw ang motibo ng suspect. Kapani-paniwala rin ang ang­gulo na tinangka niyang kidnapin si Mang Delfin.

Nakita ko sa TV ang mukha ng suspect. Ma­tang­kad at disente ang kanyang itsura. Walang-wala sa kanyang mukha na gagawa siya ng kalokohan.

Paano kung hindi alerto ang tatay ni Sarah? Paano kung hindi siya nakatakbo at nakahingi ng saklolo sa mga security guard?

May mga duda na matagal nang sinusubay­bayan ng suspect ang mga kilos at lugar na pinu­puntahan ng tatay ni Sarah kaya naisakatu­paran niya ang kanyang pumalpak na plano.

May ka­tuwiran na matakot ang mga tao dahil kung na­gaganap ang krimen sa lugar ng isang sikat na TV network na may mga security guard at CCTV camera, maaari itong mangyari sa mga pam­pub­likong lugar at sa mga ordinaryong tao. Na­ka­kaloka ‘ha?

*   *   *

Masuwerte si Mang Delfin dahil nakaligtas siya sa masamang balak ng suspect.

Mas mapalad si Sarah at ang kanyang madir na si Divine. Ma-imagine ninyo kung ang mag-ina ang inabangan ng suspect?

Oras na para kumuha si Sarah ng personal bodyguard para sa kanya at sa mga magulang niya. Mabuti na ang nag-iingat sila.

*   *   *

Aligaga si Ace Cruz dahil darating sa ling­gong ito sa Pilipinas ang American actor na si Michael Madsen.

Si Michael ang bida at co-star ni Ace sa peli­kulang Outrage. Darating si Michael sa ating ban­sa sa Biyernes para sa red carpet premiere at presscon ng kanyang pelikula.

Si Ace ang punong-abala sa pagdating ni Mi­chael dahil siya ang produ, writer at direktor ng pelikula na nag-win sa isang international film festival.

Proud na proud si Ace sa mga achievement ng Outrage sa ibang bansa kaya ginanahan siya na mag-produce ng pelikula na pagbibidahan ni Vanessa Hudgens, ang Fil-Am na bida sa High School Musical.

Ang Boracay ang napipisil ni Ace na maging location ng kanyang next movie project. Matagal nang naninirahan si Ace sa Boracay para ma­kuha niya ang “feel” ng dinarayong tourist spot sa Pilipinas.

*   *   *

Aaminin ko, nabitin ako sa interbyu ng Show­biz Central kay Annie Yap dahil ang feeling ko, marami pa ang puwedeng itanong sa kanya ni Pia Guanio.

 ‘Yun nga lang, hindi masyadong ma-express ni Mrs. Yap ang sarili dahil hindi siya bihasa na magsalita ng wikang Tagalog.

Hindi ko alam kung sinagot ni Kris Aquino ang mga pahayag ng kanyang future ex-mother in law dahil hindi ako nanonood ng Pilipinas, Win na Win.

Basta ang alam ko, marami ang naawa at na­ki­simpatiya sa ina ni James Yap. Nakatulong ang ka­simplehan at kahirapan ni Mrs. Yap para ma-gets niya ang simpatiya ng publiko. 

ACE CRUZ

ANG BORACAY

ANNIE YAP

DAHIL

MANG DELFIN

MRS. YAP

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with