^

PSN Showbiz

Mega, ninang sa kasalang Ogie at Regine

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Sa Mega Drama concert pa lang ni Sharon Cuneta na ginanap sa Araneta Coliseum nung isang gabi, ibinuking na ng Megastar na nakatakda nang ikasal sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Binanggit din nitong kinuha siyang ninang, kaya inasahan na ng mga nakapanood sa concert na iyon na ang kasalan ang ia-announce nina Ogie at Regine sa Party Pilipinas kahapon.

TANONG : Pinapagpahinga ba muna si Mark Herras pagkatapos niyang ma-hospital kamakailan lang?

Kinumpirma mismo ni Mark at pati ang Mommy Yo niyang si Nadia Montenegro na kailangan niyang magpahinga o magbawas ng trabaho pagkatapos ng Langit sa Piling Mo.

 Nagpa-general check-up si Mark nang isugod sa ospital nung nakaraang linggo dahil sa nagka-nose bleed ito at nakaramdam nang pananakit ng balakang. Doon nalaman na nagkaroon ito ng polyps sa kanyang gall bladder kaya kailangan itong operahan. May stone rin siya sa kidney pero mukhang madadala naman sa gamot.

 Pinatigil na muna ito sa paninigarilyo at kailangan nitong magpahinga nang mabuti dahil na rin sa insomnia niya.

Kaya ang payo sa kanya ni Nadia na huwag munang tumanggap ng regular show pagkatapos ng Langit sa Piling Mo. Okay na lang muna ang Party Pilipinas at Danz Showdown para makapagpa-schedule na ito ng operasyon.

TOTOO KAYANG buntis ang isang aktres na mas kilala sa mga sexy movies? Matagal nang hindi nakikita ang aktres na ito dahil nasa interesting stage pala ito.

Ang nakarating pang kuwento sa amin, kilalang-kilalang pulitiko ang nakabuntis dito kaya tahimik lang si aktres at mukhang ayaw nitong magsalita.

 Mas mabuting tahimik na lang dahil kapag magkaalaman, mas delikado ang kanyang kalagayan.

Hindi pa kasal si aktres at ang pulitikong ito pero mukhang seryoso na ang kanilang relasyon lalo na’t nagbunga na ang kanilang pagmama­halan.

TSIKA LANG : Nag-promote ng bagong morning talk show na Love ni Mister, Love ni Misis sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Startalk nung Sabado.

 Tinanong ni Ricky Lo si Carmina kung payag ba itong magsama sa isang pelikula sina Zoren at BB Gandanghari at meron silang kissing scene.

Sagot ni Carmina, mas mabuting si Zoren na lang ang tanungin kung okay lang ba sa kanya.

 “Depende kung sino ang nasa itaas, kung sino ang nasa ilalim,” sagot ni Zoren na parang nabigla rin kung tama ba iyong sagot niya.

Pabulong na inokray ni Carmina si Zoren; “Para kang gago, talagang ’yun ang sagot mo?”

Binawi naman ni Zoren na ang billing ang ibig niyang sabihin kung kaninong pangalan ang nasa itaas at kung kani­no ang nasa ilalim.

 Hanggang ngayon ay dedma si BB sa mga tawag ng staff ng Love ni Mister, Love ni Misis.

Matagal na siyang ki­nu­kontak kung puwe­deng mag-guest ito pero hindi siya sumasagot.

Nakahanda na rin na­man sina Zoren at Car­mi­na na harapin na ito dahil hindi pa sila nag­kikita mag­mula nang mag­­bago na ito ng anyo bilang BB Gandanghari.

Ngayong umaga na mag­sisimula ang Love ni Mister, Love ni Misis bago mag-Danz Show­down.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CARMINA

KUNG

LANG

MISIS

PARTY PILIPINAS

PILING MO

SHY

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with