Nakagugulat na kahit dadalawa lamang ang ginawa niyang pelikula nung 2009 ay kumita ng $56 M si Sandra Bullock. Sumunod sa kanya sina Reese Witherspoon, Cameron Diaz, Jennifer Aniston at Sarah Jessica Parker. Dito makikita ang lawak ng ginagawang pamamahagi ng mga pelikulang gawang Hollywood. Napanood ang mga ito sa maraming bahagi ng mundo, kasama na ang Asya na mas pinapanood yata kesa local films kaya naman ang mga artista dun ay nakakapag-demand ng kanilang presyo at ang mga producer ay bina-badyetan ng malaki ang kanilang mga pelikula. Nababawi nila ito at tumutubo pa sila ng malaki.
Dito kaya sa atin sino ang mga highest paid na artista? Bakit kaya hindi gumawa ng survey to determine kung sino ang mga artistang may pinaka-malalaking TF. Siguro lahat tayo, gustong malaman kung sino-sino sila at ang mga milyones ba nila ay mula lamang sa mga ginawa nilang pelikula o kasama na rito ang mga palabas din nila sa TV?
* * *
Sayang sina Heart Evangelista at Jericho Rosales di ba? Inaamin ni Heart na talagang nagmahalan sila ng aktor pero nauwi sila sa hiwalayan dahil masyadong nasakal si Heart ng kanyang pamilya. Hindi niya ito naipaglaban ng lubusan.
Wala namang regrets na nadarama si Heart, tanggap na niya na hindi sila para sa isa’t isa at masaya siya na nakatagpo na ito ng kanyang mamahalin kahit siya ay nauwi na naman sa hiwalayan sa kanyang pinaka-huling relasyon.
Kuntento naman siya sa takbo ng kanyang career na magkatulong na pinatatakbo ng kanyang ina at ni Annabelle Rama.
Pinupunan ng pamilya niya ang kakulangan ng isang lalaki sa buhay niya. I won’t argue the importance of a family in anyone’s life pero darating at darating ang panahon na hahanapin niya ang company ng isang lalaki.
* * *
Inaabangan ng maraming manonood sa TV ang pagsisimula ng Love ni Mister, Love ni Misis, isang pang-umagang talk show na magtatampok sa mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.
Subok na ang kagalingang mag-host ni Carmina na nahasa ng maraming taon sa SiS. Ang inaabangan ng lahat ay kung makakaagapay sa kanya si Zoren na madalas sorpresahin ang mga manonood ng TV lalo na nang magpasya itong gawing aktibo ang kanyang career.
Pinagtaasan din siya ng kilay nang maging hurado siya sa isang paligsahan sa pagluluto. Tanong nila kung nagluluto din ba siya?
Sa panibago niyang hamon sa Love ni Mister, Love ni Misis makuha kaya niya ang simpatiya ng manonood o muli siyang pagtaasan ng kilay?