ABS-CBN nanalo ng dalawang Marketing Excellence Awards
MANILA, Philippines - Nagwagi ng dalawang marketing excellence awards ang ABS-CBN para sa kampanya nito noong nakaraang halalan na Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula at kampanya noong nakaraang pasko na Bro Ikaw ang Star ng Pasko.
Ang ABS-CBN ang tanging TV network na kinilala sa Tambuli Awards : 4th Intergrated Marketing Communucations Effectiveness Awards ng University of Asia and the Pacific.
Nanalo ng Silver award sa Best Media Initiated Campaign ang Christmas campaign ng ABS-CBN na Bro Ikaw ang Star ng Pasko na matagumpay na gumamit ng music video at theme song para bigyan ng pag-asa ang bawat Pilipino at magbigay pugay sa Poong Maykapal.
“Nais naming makabuo ng makahulugan at napapanahong Christmas campaign pero nahimok kami nang nakita namin ang hindi matatawarang pagtutulungang ginawa ng mga Pilipino sa isa’t isa matapos ang bagyong Ondoy at Pepeng. Ibinalik namin sa Diyos ang papuri, ngunit ibinalik Niya pa rin ito sa amin sa pamamagitan ng mainit na pagtanggap ng mga Kapamilya sa kampanya at siyempre isang Tambuli award!” sabi ni Zita Aragon, Program Marketing Head.
“Mahalaga ang parangal na ito dahil kinikilala nito ang pamamayagpag ng network sa larangan ng branded entertainment. Umaasa kami na makatamo pa ng ganitong uri ng mga awards sa hinaharap,” dagdag ni Customer Marketing and Production Services Group Head Teresita Villareal.
Panalo rin ng Silver award sa Best Media Initiated Campaign ang kampanya naman ng ABS-CBN News and Current Affairs na Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula na matagumpay na gumamit ng mobile phones at Internet para hikayatin ang mamamayan na maging aktibo sa nakaraang halalan at himukin silang magparehistro para bumoto.
Ang malawakang kampanya ay may ginawang music video, concert para sa mga Boto Patrollers, citizen journalism workshops, pagpaparehistro para makilahok sa BMPM online via microsite, atbp.
Layunin ng Tambuli Awards na kilalanin ang mga integrated marketing campaigns na nagtataguyod ng pagpapahalaga sa negosyo at sa lipunan at mayroong positibong mga resulta. Ito ang unang taon na ipinakilala ng naturang award giving body ang Best Media Initiated Campaign category.
Ang parangal ay ginanap noong July 14, 2010 sa Li Seng Giap Auditorium ng University of Asia & the Pacific.
- Latest