Halatang hindi maganda ang naging paghihiwalay ng isang sikat na aktres sa non-showbiz boyfriend niya na galing sa mayamang pamilya. “Demonyo” ang description ng aktres sa ex na isang businessman.
Akala raw niya’y mabait ang lalake at pasalamat siya na maaga pa lang ay nakilala na niya ang tunay nitong ugali at hindi nagtagal ang kanilang relasyon.
“Mabait” naman daw ang ex-BF niyang aktor na matagal din niyang nakarelasyon. Inamin nitong nagpadala siya sa mga sulsol at paninira sa aktor kaya sila nag-break. Happy ang aktres na may bagong GF ang aktor dahil may mag-aalaga rito at deserving itong lumigaya.
* * *
“How sweet” ang reaction ni Claudine Barretto nang marinig sa press ang kuwento ni Heart Evangelista na napagkamalan siyang si Claudine ni Mark Anthony Fernandez sa taping nila noon ng Luna Mystika. Nakatalikod si Heart nang dumating si Mark at nang makita siya nito, parang natulala. Nalaman lang nitong si Heart at ‘di si Claudine ang nakita nang humarap siya.
Libre nang nakakapag-react at nakukuwento ni Claudine ang nakaraan nila ni Mark after nilang magharap sa Showbiz Central at magaan sa loob niyang makatrabaho ito sa A Love Story episode ng Claudine dahil aprubado ng asawang si Raymart Santiago.
“Sa nagtatanong ng reaction ni Raymart sa interview ko kay Mark, sabi niya, “we made a vow to God and you know about cheating, lying and adultery, but I trust you.” He watched it. Alam ko namang mas maraming mawawala sa akin ‘pag nagloko ako,” ani Claudine.
Samantala, sina Claudine at Anne Curtis ang nagpo-promote ng In Your Eyes dahil wala si
Richard Gutierrez.
* * *
Second taping day ni Jiro Manio sa Pilyang Kerubin nang aming ma-interview. First project niya ito sa GMA 7 at comeback niya sa showbiz after one year of absence, kaya nanibago siya. Wish nitong masundan ng ibang project sa Kapuso network ang pagpasok niya sa istasyon dahil may two-year old daughter siyang pinapalaki.
Sisha Calliope ang pangalan ng anak na nasa poder niya. Mahirap daw maging batang ama, sabi ni Jiro na 18 years old lang, pero maluwag sa loob na tinanggap niya ang anak na papa ang tawag sa kanya. Natutuwa rin siya dahil parang magkapatid lang sila ng anak.
Ginagampanan ni Jiro sa Pilyang Kerubin ang role ni Rodjun at kasama niyang guests sina Daria Ramirez, TJ Trinidad at Iza Calzado.