^

PSN Showbiz

Sikat na aktres demonyo ang tawag sa ex-bf na non-showbiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Halatang hindi maganda ang naging paghihi­walay ng isang sikat na aktres sa non-showbiz boy­friend niya na galing sa mayamang pamilya. “De­monyo” ang description ng aktres sa ex na isang businessman.

Akala raw niya’y mabait ang lalake at pasalamat siya na maaga pa lang ay nakilala na niya ang tunay nitong ugali at hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

“Mabait” naman daw ang ex-BF niyang aktor na matagal din niyang nakarelasyon. Inamin nitong nagpadala siya sa mga sulsol at paninira sa aktor kaya sila nag-break. Happy ang ak­tres na may bagong GF ang aktor dahil may mag-aalaga rito at deser­ving itong lumigaya.

* * *

“How sweet” ang reaction ni Clau­dine Barretto nang marinig sa press ang kuwento ni Heart Evan­gelista na napagkamalan siyang si Claudine ni Mark Anthony Fernan­dez sa taping nila noon ng Luna Mystika. Nakata­likod si Heart nang du­mating si Mark at nang makita siya nito, parang na­tu­lala. Nalaman lang nitong si Heart at ‘di si Claudine ang nakita nang hu­marap siya.

Libre nang nakakapag-react at nakukuwento ni Claudine ang nakaraan nila ni Mark after nilang magharap sa Showbiz Central at magaan sa loob niyang makatrabaho ito sa A Love Story episode ng Claudine dahil aprubado ng asawang si Raymart Santiago.

 “Sa nagtatanong ng reaction ni Raymart sa interview ko kay Mark, sabi niya, “we made a vow to God and you know about cheating, lying and adul­tery, but I trust you.” He watched it. Alam ko namang mas maraming mawawala sa akin ‘pag nagloko ako,” ani Claudine.

Samantala, sina Claudine at Anne Curtis ang nagpo-promote ng In Your Eyes dahil wala si

Richard Gutierrez

* * *

Second taping day ni Jiro Manio sa Pilyang Kerubin nang aming ma-interview. First project niya ito sa GMA 7 at comeback niya sa showbiz after one year of absence, kaya nanibago siya. Wish nitong masundan ng ibang project sa Kapuso network ang pag­pasok niya sa istasyon dahil may two-year old daughter siyang pinapalaki.

Sisha Calliope ang pangalan ng anak na nasa poder niya. Mahirap daw maging batang ama, sabi ni Jiro na 18 years old lang, pero maluwag sa loob na tinanggap niya ang anak na papa ang tawag sa kanya. Natutuwa rin siya dahil parang mag­kapatid lang sila ng anak.                                                                                     

Ginagampanan ni Jiro sa Pilyang Kerubin ang role ni Rodjun at kasama niyang guests sina Daria Ramirez, TJ Trinidad at Iza Calzado.

vuukle comment

A LOVE STORY

ANNE CURTIS

CLAUDINE

DARIA RAMIREZ

HEART EVAN

IN YOUR EYES

NIYA

PILYANG KERUBIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with