Sure na sure nang magiging Kapuso, Edu atras-talo unang show

Scene : Sa September 6 ang airing ng Idol, ang mala-Glee na TV series nina Sarah Gero­nimo, Sam Milby at Coco Martin.

Seen : Worried si Tim Yap sa cyst sa kan­yang lalamunan. Operasyon ang payo ng doktor ni Tim.

Scene : Yaman ni Lola ang title ng new show ni Nanette Inventor sa GMA 7. Atras Talo ang working title ng reality /game show ni Edu Manzano sa GMA 7.

Seen : Dating aktor si Yves Gonzales, ang spokesman ng MMDA na napanood noon sa TGIS, Anna Karenina at mga pelikula ng Viva Films. Ivan Gonzales ang kanyang ginamit na screen name.

Scene : Malapit nang magwakas ang Pil­yang Kerubin ng GMA 7. Nag-umpisa noong June 7 ang Pilyang Kerubin at sandali lamang ito sa ere.

Scene : Sampung estudyante ang “sinapian” sa Legazpi National High School ang report ng TV Patrol. Labinlimang estudyante ang sinapian sa Legazpi National High School ang report ng 24 Oras. Alin, alin ang totoo?

Seen : Ang dasal ng fans ni Sharon Cuneta na huwag bumagyo bukas dahil sa Mega Drama concert sa Araneta Coliseum ng singer-actress. Mga guest sa Mega Drama sina Ogie Alcasid, AiAi delas Alas at Sarah Geronimo.

Show comments