Ricky Reyes Foundation suportado ng marami

MANILA, Philippines - Kamakaila’y nagkaroon ng turn-over ceremonies ang Ricky Reyes Foundation at Philippine General Hospital Director Dr. Eric Domingo at Cancer Institute officer-in-charge Dr. Jorge Ignacio ng mga charitable institutions na Munting Paraiso sa PGH, Manila at Childhaus sa PCSO Compound, Quezon City.

Pinagtuunan ng pansin ng RRF ang pagpapaayos ng naturang mga bahay-tuluyan ng mga batang may malubhang sakit tulad ng cancer at sakit sa puso, atay, baga, bato, atbp. Ipinaayos din ang mga garden at playground para sa mga pasyente. Pati na ang amusement room.

Dumalo ang mga donors na sumusuporta sa mga proyekto tulad nina GMA Network Senior Vice President for Entertainment Ms. Wilma Galvante, Foodshere CEO Mrs. Corazon D. Ong, Meycauayan Business Chamber’s Manny Sy Peng and Thelma Esteban, Kohl Industries president Aton Atilano, Tan Kee Foundation’s Philip Sing, Rodson Marketing, Pharma Dynamic, Nerissa Cabulan, Lina Tuazon, Ligaya Salvatierra, Ester Sermaco, Edwin Hernandez and FilHair officers Ivory Malaguena, Raquel Paniglagan, Ruby Paul Valderrama, Ester Garcia at mga managers ng Ricky Reyes salon chain.

Mapapanood ang event sa Life and Style With Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo alas diyes ng umaga sa Q-11 kung saan tampok din si Starstruck finalist Rox Montealegre bilang co-host ni Mader Ricky sa Great Hair Day na ang modelo’y si Maraya Villarta.

LSWGRR is another production of ScriptoVision.

Show comments