MANILA, Philippines - Nadagdagan na ang role sa buhay ni Lucy Torres-Gomez bukod sa pagiging asawa, ina, at TV host — siya na ngayon ang congresswoman ng Ormoc, Leyte. Ibig sabihin, mas naging busy siyang lalo. Pero ano ang sikreto niya at bakit energetic at nananatiling batang tingnan ang kanyang ganda?
Sa tinatawag na somatopausal age ni Lucy, ang estado na nag-uumpisa nang makita ang mga senyales ng pagkakaedad na nasa late 20s hanggang early 30s, nakapagpapabawas na ito ng lakas at ganda ng isang babae.
“While women my age are past the insecurities of youth, we are also faced with the realities of aging,” sabi ni Lucy.
At ang isa sa ganitong reyalidad ay ang pagkakaroon ng mas mabagal na metabolism.
“Unless you have a regular fitness regimen asahan mo na normal ang slower metabolism. And if in your teens or early 20s you can survive with very little or no sleep, ngayon ay halata agad ang epekto ng puyat sa skin and energy level,” dagdag pa ng bagong kongresista.
Kaya ang solusyon, mas maselan na siya ngayon sa mga ginagamit at iniinom. Tulad ng regular intake ng mga antioxidant-rich vitamins. Walang palya si Rep. Lucy sa pag-inom ng mga bitamina at iba pang health supplements.
Isa sa mga pinagkakatiwalaan niya ngayon ay ang multivitamin supplement na Immuvit.
“Immuvit is my health partner, especially now that my schedule is more hectic. I find it convenient because you just take it daily and you already reap the benefits of the good it does for your optimum health and looks,” sabi ni Lucy.
Ang Immuvit lang ang may malakas na kombinasyon ng CoQ10 at ng dalawang ginseng — Korean RPC Ginseng at Siberian Ginseng.
Ang CoQ10 ay antioxidant na nagpoprotekta sa katawan laban sa mga free radicals. Nakakatulong ito sa pagmintina ng cell growth at nakapagpapalakas ng immune system. Ang Korean RPC Ginseng at Siberian Ginseng naman ang tumutulong na panlaban sa fatigue.
Matutuwa ang mga kababaihan, sabi ni Lucy, dahil makikita nila ang resulta na looking and feeling young sila sa Immuvit at magiging energized pa.
Bukod sa ilang bitamina, may minerals din ang Immuvit tulad ng Selenium, Panthotenic Acid, Molybdenum; at Chromium na pantulong sa pagtunaw ng mga carbohydrates and fats sa katawan.
Siyempre nakakatulong din na ang fitness regimen ni Lucy ay ang pagsasayaw. Bukod pa sa magandang diet niya sa pagkain ng mga gulay at prutas.
“I watch what I eat, generally speaking, but I do allow myself small mercies like an occasional cheat day where I eat what I want to eat, like chicharon bulaklak, chips, white bread, white rice, pizza, and chocolates,” pag-amin ni Lucy.
Pero ang regular niyang pagkain ay brown rice, prutas, gulay, at ang mga kutkuting healthy snacks.
Ang pinakahuling masasabing sikreto ng gandang Lucy Torres ay ang good attitude at positibong pananaw sa buhay. Hindi na sorpresa kung bakit kahit nasa somatopause stage na siya ay para pa rin siyang nasa early 20s lang. Iba ang aura niya!