Coco maraming karibal kay Erich

I’m sure, feeling ang haba-haba ng buhok ni Eugene Domingo nang bigla siyang i-lips to lips ni Diether Ocampo para lamang siguro matapos na ang pangungulit ng press sa kung ano ang naramdaman nila sa ginawa nilang kissing scene sa pelikula nilang Mamarazzi. Hindi pa kasi nagkasya ang lahat sa mga naging sagot ni Diether, itinanong pa rito kung ano ang lasa ng halik ng kapareha. Sa halip na sumagot ay bigla na lamang hinalikan ni Diether si Eugene sa pagka­katuwa ng lahat! Lips to lips!

That what I call professionalism, kapag ang isang artista ay handa sa lahat ng pagkakataon na patunayan ang kanilang pagka-artista. I’m sure, maraming bading sa presscon ang nag-wish na sila na ‘yung kahalikan ni Diet.

Masuwerte ang GMA for having gotten the services of Eugene, talagang mahusay ito, hindi lang basta nagpapatawa, nagbabadya ng kata­li­nuhan ang kanyang pagpapatawa.

* * *

Kung kani-kanino pa inili-link si Coco Martin at iniintriga pa ang friendship nila ni Kris Aquino at binibigyan ng kulay, ‘yun pala kay Erich Gon­zales ito pumuporma. Kaya lang, hindi ba mas marami siyang karibal dito? Buti na lang nabawas na si Ejay Falcon dahil ikinakabit na ang pangalan nito sa anak ni Robin Padilla na si Queenie. Tila ang nagpapakita ng katatagan sa kanyang intensiyon kay Erich ay si Enchong Dee. Maganda ang chemistry nila sa screen at napansin ko, gu­maling na silang artista. Nakikipagsabayan na sila sa mga nakatatandang co-stars nila sa kanilang teleserye.

* * *

Pinag-uusapan ngayon at ginagawang isyu ang diumano’y pagpaparetoke ng ilong ni Cristine Reyes. Feeling ko, gusto nilang ipaamin ito kay Cris­tine na hindi ko naman masisi kung hindi niya gagawin. Bakit, meron na bang artista na umaming retokada sila? Lalo na ‘yung nagpa-breast enhancement?

Mga kapatid, ibigay na natin ito sa mga artistang sumasailalim sa mga prosesong ganito. Kung hindi naman ito nakakaapekto sa kanilang performance, pa­bayaan na lang natin. Karapatan naman ng artista na i-take advantage ang makabagong sen­siya at teknolohiya para mas ma-improve ang ka­nilang itsura.

* * *

Sumasaludo ako sa ginawang pagtulong ng dating host ng Wowowee kay Mura na hindi pa nakakalakad ng husto matapos itong maaksidente sa isang motorsiklo. Nasa Bikol si Mura at nagpa­pagaling pero kinakailangan nito ng malaking halaga para sa kanyang pagpapagamot at therapy. Na-appreciate ko nga ang ginawa ni Mahal para mapasaya si Mura sa kanyang birthday, si Mahal pa na katulad ni Mura ay halos wala na ring assignments pero nagawa pang makapagpaligaya ng kaibigan. Mabuhay ka, Mahal.

Show comments