Nabawasan ang bonding moment namin ni Boy Abunda nang mag-ober da bakod siya noon sa ABS-CBN.
Of course, na-miss ko ang magandang samahan namin ni Boy sa Startalk dahil likas ang kanyang kabaitan at bonggang-bongga ang generosity niya.
Pero hindi man kami magkasama sa isang talk show, magkakasama uli kami ni Boy dito sa PSN.
Gustong kong i-welcome si Boy bilang bagong kolumnista ng PSN. Abangan ninyo ang kanyang kolum na malapit nang magsimula!
* * *
Bibinyagan sa August 14 sa Wack Wack Golf & Country Club si Rebecca Victoria Bautista Ynares aka Via. The who si Via? Siya ang second daughter nina Andeng Bautista-Ynares at Rizal Governor Junjun Ynares. Tiyak na star-studded at maraming pulitiko ang aapir sa binyag ng bagets dahil mula sa showbiz at political clan ang kanyang mga magulang.
* * *
Mama Salve, knows ko na ang listahan ng mga artista na kinamumuhian ng mga advertisers dahil overacting ang kanilang pagiging prima donna.
Dalawang aktres ang nanguNguna sa listahan ng mga malditang celebrity endorsers. Bahala na kayong mag-isip kung Kapamilya o Kapuso sila.
Hate na hate ng mga advertisers ang mga hitad dahil mahirap silang katrabaho. Okay lang sana kung maraming demands ang dalawa pero tinatarayan pa nila ang production staff.
Walang magawa ang mga advertisers kundi ang makisayaw sa tugtog dahil ang mga nasabing aktres ang pinili ng kanilang mga kliyente.
Kalat na kalat na sa advertising world ang kamalditahan ng dalawang aktres kaya hindi sila paborito ng mga advertisers.
* * *
Siyempre, alam ko rin ang mga favorite endorsers ng mga advertisers. Type na type nila sina Boy Abunda at Sarah Geronimo.
Napakadali at napakabait na katrabaho nina Boy at Sarah, sabi nila, kaya fiesta ang pakiramdam ng mga empleyado ng advertising agency kapag may commercial shoot sila.
Walang kaere-ere at walang demands sina Boy at Sarah. Kung may award para sa darling ng mga advertisers, sure winner ang King of Talk at ang Pop Princess.
* * *
Mali ang bintang na tauhan ni former President Gloria Arroyo si Congressman Toby Tiangco ng Navotas City.
Very loyal si Papa Toby kay Papa Joseph Estrada at napagbintangan siya na kaalyado ni Mama Glo dahil sa mungkahi niya na alisin sa record ang ilang bahagi ng privilege speech ng isang congressman na bumatikos sa mga kongresista na kapartido ng dating pangulo.
Love ko si Papa Toby dahil mahal niya ang entertainment industry kaya gusto kong ibahagi sa inyo ang explanation niya sa mga walang katotohanan na bintang laban sa kanya.
“I moved that some portions of the speech be stricken off the records because I believe that those particular portions were “unparliamentary.”
“More importantly, under section 120 of the Rules of the house, privilege hour may be interrupted if it will inflict injury or harm on the person or integrity of a Member.
“I felt that those statements violated this rule. I am not a GMA ally and its not about defending GMA.
“It is the principle of upholding and adhering strictly to the rules of the House. It just happened that GMA was the subject of the speech. I would have stood up just the same for any other colleague under similar circumstances.
“I have been consistently anti GMA from the time she assumed office in 2001 up to the time she stepped down, principally because of my belief and conviction that her assumption into office was not in accordance with the rule of law. Adhering to the rule is a very strong conviction for me, and I will uphold it at all times regardless of the personality involved.”