Congrats sa mga artista at production staff ng Ilumina dahil mataas ang rating ng pilot episode ng kanilang show na nagsimula noong Lunes.
Tinalo ng Ilumina sa rating ang Agua Bendita at ayon ito sa survey ng People Ratings. Nakakuha ng 14.9% rating ang Ilumina at 14.3% naman ang Agua Bendita.
Hindi na dapat mag-emote ang fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil 14.2% ang rating ng Endless Love laban sa 12.1% ng Magkaribal.
Ang ibig sabihin, wise move ang ginawa ng GMA 7 na ilipat ang Endless Love sa dating timeslot ng Diva at ilagay sa timeslot ng Endless Love ang Ilumina.
* * *
Goodbye Philippines muna si Venus Raj dahil ngayong gabi ang lipad niya sa Las Vegas.
Si Venus ang representative ng ating bansa sa Miss Universe pageant at i-wish natin siya ng goodluck.
Harinawang mag-win siya sa contest na sasalihan para mapatunayan ni Venus na tama ang desisyon ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na ibalik sa kanya ang karapatan na i-represent ang ating bansa sa Miss Universe pageant.
Manggagaling si Venus sa Araneta Coliseum dahil dito na siya natulog mula pa noong Lunes.
Mula sa Araneta Coliseum, didiretso si Venus sa Terminal 2 ng Centennial Airport para sa flight niya sa Las Vegas.
I-wish din natin na hindi magkaroon ng problema sa flight ni Venus dahil baka biglang mag-resign ang piloto ng Philippine Airlines plane na sasakyan niya. Over na kapag nangyari ‘yon dahil lalabas na parang may pumipigil sa kanyang pag-join sa Miss Universe!
* * *
Interesado ang fans nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na malaman ang kanilang mga pinag-usapan pagkatapos ng one-on-one interbyuhan nila sa Showbiz Central noong Linggo.
Nalaman kasi ng fans ng dalawa na nag-usap sila sa loob ng dressing room as in behind closed door.
Gustong malaman ng fans ang napag-usapan nina Mark at Claudine para ma-satisfy ang kanilang curiosity.
Walang dapat ipagselos ang mga asawa nina Claudine at Mark dahil may mga kasama sila sa dressing room habang nag-uusap.
* * *
Excited ako sa aking appointment bukas. Sisiguraduhin ko na hindi ako late sa very important appointment na pupuntahan ko.
Of course, ikukuwento ko sa inyo ang mga mangyayari sa lakad ko bukas pero hindi muna ngayon para hindi maudlot.
Matagal kong hinintay ang August 5 at halos hilahin ko ang araw dahil sa sobrang excitement. Isang tao ang pasasalamatan ko nang husto dahil siya ang nagbigay katuparan sa aking appointment.