Kris patay na ang puso kay James

Nadagdagan ng maraming macho points ang gina­­wang paglabas ni Tutti Caringal sa Rated K nung Linggo. Mga ilang buwan na ring pinag­pa­pan­tasyahan ng maraming Kapuyaters, tawag sa mga nanonood ng programang Music Uplate ng ABS-CBN na ipinalalabas sa dis-oras ng gabi, ka­pag nai­pa­labas ng lahat ang mga regular prog­rams ng Chan­nel 2. Aakalain mo na dahil ma­daling araw na, wala nang manonood sa prog­rama na unang hinost ni Yeng Constantino hang­gang sa regular na niyang maka-tandem ito ngang si Tutti na bukod sa kanyang pangalan ay wala nang alam pang iba ang mga ma­nonood. Hindi naman siya kaguwapuhan pero marahil nakaka-atrak sa manonood ang pagiging isa niyang musikero.

Tumutugtog siya ng gitara at halili sila ni Yeng na kumakanta sa programa. It was only when he guested in Korina’s show that the public learned some­thing more about him, na soloista siya ng ban­­­dang Protein Shake at drummer ng 6 Cy­cle­mind. Hiwalay siya sa kanyang pamilya at mag-isang naninirahan sa isang bachelor’s pad sa QC. Nag-aalaga siya ng isda sa isang pond na mata­tagpuan din sa kanyang tinitirhan at ko­lektor ng mga Superman at musical items. Wish ng mga fans niya na sana hindi kasama sa kolek­siyon niya ang girls.

Galing sa pamilya ng mga pulis ang pinaka-latest na TV heartthrob, nag-aral sa Philippine Mili­ta­ry Academy pero inagaw ng daigdig ng musika.

Sa mga mahilig sa musika, isang magandang pa­noorin ang Music Uplate, bukod sa mga sikat na music icons na itinatampok, nagbibigay pa ito ng chance para manalo ang mga manonood ng show ng mga cellphone loads at pera sa pama­magitan ng kanilang napakadaling mga pakontes.

Nagtataka nga lang ako kung bakit kina­ka­ilangang mawala sila Tutti at Yeng tuwing Bi­yer­nes at pinapalitan sila ng mga guest hosts na hindi bagay sa ganung oras dahil napaka-iingay nila!!!

* * *

Apat na buwan na palang namamatay ang pag-ibig ni Kris Aquino kay James Yap. Kapuri-puring hindi ito nahalata ninuman at ni munting bakas ay walang nakita kay Kris habang ipinagluluksa niya ang kamatayan ng kanyang pag-ibig. Magaling nilang naitago ni James ang kanilang pinagda­anan.

Sayang at hindi na sinabi pa ni Kris ang mga sina­bi sa kanya ni James sa harap pa mismo ng anak nila na nagsilbing mitsa para magpasya siyang makipaghiwalay na dito. Kung sinabi niya, mala­laman natin kung may katuwiran siya sa gina­wa niyang pagpapasya, whether she was being fair or not.

Nakaka-surprise din na after five years of living together hindi pala sila totoong kasal ni James. Hindi sila ikinasal ni ex-QC Mayor and now Cong­ressman Sonny Belmonte, may ibang gumawa nito.

Whatever, hindi na umuuwi si James sa ka­nilang condo. Silang tatlo na lamang nina Joshua at Baby James ang nakatira run. May sariling pad na si James, ikinuha na siya ng Purefoods. Pero ka­hit ipinagbawal ng mga abogado niya na ipa­hiram ang anak kay James, ipinahiram pa rin ito ni Kris sa ama para manood ng basketball game nito. Gusto ni Kris na kahit magkahiwalay sila ni James ay maging malapit ito sa anak nila. Ayaw niyang matulad ito kay Joshua na mas malapit kay P-Noy kesa sa ama nitong si Phillip Salvador.

At bagaman at dapat ay nagluluksa siya sa kinahinatnan ng marriage niya, masaya si Kris na nag-iisa at ang kasama ay ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay.

* * *

Sayang naman si RR Enriquez na hindi nakasama sa Pilipinas Win na Win. Nahasa pa naman siya sa Wowowee na kung saan kahit papaano ay nakakapag-host siya although totoo namang madalas ay tagabigay lamang siya ng premyo. Ang na-retain ay si Saicy Aguila na isang magaling na dancer naman kaya bukod sa maganda itong prize girl ay nakakapag-production number pa.

Malaki ang pagkakahawig ng PWNW sa Wowowee pero unti-unti ay mabibigyan ng bagong porma ang programang hino-host nina Kris Aquino, Robin Padilla, Pokwang, Mariel Rodriguez, at Valerie Concepcion.

Ang habol naman ng manonood sa kanilang mga bahay ay isang masa­yang panoorin at ‘yung mga nasa istudyo naman ay maraming papremyo. At meron nito ang Pilipinas Win na Win.

Show comments