MANILA, Philippines - Ang kanilang love of cooking ang dahilan kung bakit nagkaisa sila’t nagkaintindihan at tumagal ng tatlong taon ang relasyon nina China Cojuangco at Gino Gonzalez.
Si Chef Gino ang mentor ni China nang mag-aral ito sa Center for Asian Culinary Studies (CACS). Kaya masasabing sa kusina nagsimula ang special romance at nagpatuloy hanggang magtapos si China.
Simula noon, nag-enjoy na ang dalawa na maghanda ng mga putahe para sa mga bisita at kliyente.
Naging tandem ang dalawang chefs. Dahil napansin ng karamihan ang chemistry nila, nagkaroon ng offer sina China at Gino na mag-host sa upcoming TV show, ang My Favorite Recipes.
“We have this unspoken understanding on how to do things in the kitchen. Cooking is one of the many ways how we bond,” share ni Chef Gino, direktor sa CACS at executive chef sa Café Ysabel.
Ang isa pa nilang pinagkakasunduan sa pagluluto — ang pagpili ng tamang mantika sa mga putaheng Asian, Italian, at Western gamit ang Golden Fiesta Palm Oil.
“Palm oil ang gusto namin in frying more than any other cooking oil variants,” sabi ni Chef China na isa na rin ngayong instructor sa CACS.
Dagdag pa niya, kapag mali ang cooking oil sa pagpiprito, masusunog lang agad ang niluluto.
“Golden Fiesta Palm Oil’s high heat tolerance helps in cooking food evenly and preserve its texture and flavor,” sabi ni China.
Gusto namang bigyang diin ni Chef Gino na ang pagkain ng mga prinitong putahe ay hindi maganda sa katawan dahil may makukuhang Omega 9 at iba pang nutrients mula sa Golden Fiesta Palm Oil kaya plus factor iyon at good choice.”
* * *
Dalawa pang TV hosts na nalilinya sa pagluluto, sina Sam Oh at Chef Jackie Ang-Po, ang may bidang programa na nagsimula na nitong nakaraang Linggo (Aug. 1).
Pinamagatang Delicioso, narito na ang ultimate recipe and menu guide pagdating sa home parties tuwing Linggo, 6:45 p.m., sa Q Channel 11 na hatid ng real-life best friends na sina Sam Chef Jackie.
Mabilis, madali, at kumpletong menu — mula appetizers hanggang main entrées, desserts, at isama na rin ang mga party theme — ang expertise ng dalawa.
Bawat episode ng Delicioso ay may apat na segments kung saan makakakuha ng mga madadali at step-by-step procedures para sa mga sure-hit recipes na puwedeng-puwede para sa panalong birthday party, anniversary celebration, maliit na dinner party ng pamilya, weekend picnic kasama ang mga kaibigan, salu-salo sa fiesta, at maging ang pinakaaabangang Christmas reunion.
Siyempre hindi mawawala ang special celebrity guest linggu-linggo.