Libangang kapaki-pakinabang

MANILA, Philippines -  Tampok sa Life and Style With Gandang Ricky Reyes ang ilang matagumpay sa negosyo.

“Lima lang sila sa mga nagsimula ng negosyong dati’y libangan o hobbies lamang sa kanila,” sabi ng LSWGRR host-producer na si Mader Ricky Reyes.

Ang mga kakapanayamin sa programa’y sina Yexel Sebastian na ang paggawa ng maliliit na laruan ang dating libangan. Gumawa siya ng life size toys na marami ang nagkagusto at bumili. Ito na ang simula ng kanyang toy business.

Mahilig mag-spa sa sariling bahay si Tonette Cortez. Nag-anyaya siya ng mga kaibigan na su­mubok nito at nasiyahan. Nabuo sa isip niya na mag­tayo ng spa salon na ngayo’y magandang negosyo pala.

Mahilig namang kumain si Sandy Concepcion at isa sa mga paborito niyang snack ay pizza. Gumawa siya ng recipe ng iba’t ibang klase at flavor ng pagkaing ito na nang matikman ng ibang tao’y agad nagus­tuhan. 

Artistic si Alex Cabaluna at naibigan ng mga kakilala’t kaibigan ang paglalagay niya ng tattoo.

Huwag itapon ang mga lumang album dahil natuklasan ni Vera Cruz na marami ang handang magbayad para idagdag ito sa kanilang koleksiyon. Basta old album collector si Vera ang hinahanap.

Show comments