Zoren buhay binata kay Carmina
Noong una, akala ko ay mahiyain si Zoren Legaspi pero ang galing niyang sumagot sa presscon ng Love ni Mister, Love ni Misis. Spontaneous ang aktor at bagay silang maging host ni Carmina Villarroel sa bagong show ng GMA 7.
Stable ang kanilang relasyon for 10 years kahit hindi pa kasal. Naniniwala sila na sila na forever.
Sabi nga ni Zoren, sobra ang tiwala sa kanya ni Mina kaya feeling niya, binata pa rin siya.
“Kapag nanood ako ng sine na last full show at umuwi ako sa bahay ng 1:00 a.m., never siyang nagtanong. Ayaw kong sirain ang pagtitiwala niya sa akin. Hindi siya ‘yung tipong nangungulit kung saan ako nanggaling,” kuwento ng aktor.
Sa sampung taong pagsasama ay para lang silang magkapatid ang set-up.
Ano naman ang masasabi ni Mina sa kanyang asawa?
“Kung merong dapat bigyan ng award bilang best father o ulirang ama, si Zoren yun. Loyal din siya sa akin at grabe nahahati niya ang oras dahil prioridad niya ang aming kambal”.
* * *
Nalulungkot naman kami kung totoo ang balitang matitigbak na ang programang Good Morning Kuya ng UNTV hosted by Daniel Razon.
Susme, ang gaganda nga ng kanyang mga segment sa programa kung saan malaki ang naitutulong nito laluna ang Clinic ni Kuya Daniel kung saan maraming mahihirap na maysakit ang kanilang natutulungan kahit ang mga writers o Movie Writers Welfare Foundation. Isa itong public service program na nagsisilbing magandang halimbawa sa ibang programa sa telebisyon. Hindi kaya may naiinggit lang sa kanya?
* * *
Nakakuwentuhan namin si Jackie Rice na kasama sa Ilumina bilang kapatid ni Rhian Ramos. Natutuwa ito dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA 7. Inamin nito na hindi na siya magiging pasaway. Gusto niyang patunayan na nagbago na siya.
“Hindi na ako mahilig sa nightlife gaya nun. I will be more hardworking dahil gusto kong mag-ipon ng pera para makabili ng bahay sa may Commonwealth.”
Nakabili na rin siya ng van mula sa kinikita sa showbiz.
- Latest