Parati ring nag-aaway: Kris at James pitong buwan nang 'di nagsisiping

Lumabas din ang totoong da­hilan ng paghi­hiwalay nina Kris Aquino at James Yap. Hindi na ito bali-balita lang dahil kay Kris na mismo nang­galing na palagi na silang nag-aaway na mag-asa­wa at ang masama pa ay palagi itong na­ri­ring nina Jo­shua at Baby James. Idinag­dag pa ng bagong galing sa ba­kas­yon na mom, na ito ang nag­silbing mitsa para magpasya siyang tapu­sin na ang kanilang mar­riage. May pitong buwan na rin silang hin­di nagtatabi sa pag­tulog ni James at dun sa kuwarto ng mga bata na siya madalas matulog.

Klinaro ni Kris na walang bagong lalaki sa kan­yang buhay. Lahat ng mga lala­king inili-link sa kan­ya ngayon ay mga kaibigan lamang niya, sina Coco Martin, Gabby Concep­cion, Robin Pa­dilla, Sen. Chiz Escudero, Mayor Junjun Binay.

Ikinatuwa ng marami at ikina­gulat din ang pag­bu­bunyag niya ng posibleng pagtatambal nila ni Se­nador Chiz sa susunod na eleksiyon, katu­nayan mayroon na siyang naisip na pangalan para sa kanilang tambalan.

Kung may lalaking masasabing pinakamalapit sa kan­yang puso ngayon, ito ay ang kasalukuyang Mayor ng Makati na si Junjun Binay. Matagal na raw silang magkaibigan, matalik na magkaibigan pero nagkalapit pa silang lalo nang magkasunod na mamatay si Tita Cory at ang asawa ng mayor. Mag­katulong nilang inalo ang isa’t isa.

Idinagdag din ni Kris na kung sakaling bibigyan niyang muli ng pagkakataong lumigaya ang kan­yang sarili sa piling ng isang lalaki, gusto niya ay sa isang katulad ni Mayor Junjun na alam niyang taglay lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki, mabait at hindi siya lolokohin. Bago siya su­malang sa inter­view kay Boy Abunda ay ipinaalam pa niya kay Mayor Binay ang mga sasabihin niya sa TV tungkol dito.

“Pero matagal pa bago ako magkipag­relas­yong muli, kapag alam kong okay na ako at hindi na aa­ta­kihin sa puso ang mga kapatid ko,” sabi ni Kris.

* * *

Natuloy na rin ang inagurasyon ng Shinagawa Lasik and Aesthetics Philippines at kasama sa nag-cut ng ribbon sina Senadora Loren Legarda, Con­gress­wo­man Imelda Romualdez Marcos, Pops Fer­nandez at Priscilla Meirelles.

Nagsimula lang bilang isang clinic sa Japan ang Shina­gawa nung 1988 at pagkaraan ng halos dala­wang dekada, kinikilala na ito bilang pangunahing pa­ngalan sa aesthetic medicine.

Ispesyalidad ng Shinagawa ang paggamot ng byo­pia, isang visual impairment na kung saan hindi mas­yadong nakikita ng mga may ganitong sakit ang mga bagay na malalapit sa kanila. Isang ispes­yal na lente ang inilalagay sa cornea sa pama­magitan ng pro­sesong Kamra.

Pagdating naman sa aesthetic medicine, nagta­tanggal ang Shinagawa ng stretch marks, fats, freckles, pimples, bakas ng acne at mga abnormal skin pigmentation.

* * *

Maghaharap na rin finally sa isang one on one at exclusive interview ng Show­biz Central sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Matagal ding parang iniwasan ni Mark ang dating dyowa pero nagkaroon na marahil ito ng sapat na lakas ng loob kaya abangan mamayang hapon ang kauna-unahan nilang paghaharap.

May feature rin kina Jackie Rice sa Story of Your Life at Rhian Ramos sa Don’t Lie To Me.

Show comments