Masisisi mo ba si Jean Garcia kung pakialaman niya ang lovelife ng anak niyang si Jennica, kahit nasa edad na ito? Siguro maling word ang pakikialam, concerned lang siguro kaya siya nagsasalita sa anak na sa makabagong henerasyon ngayon ay itinuturing na isang pakikialam.
Huwag naman, intindihin na lang natin si Jean. Meron sigurong nang-iintriga kaya may mga naririnig itong hindi maganda tungkol sa manliligaw ng anak pero sabi niya, ang naririnig niya’t pagkakilala sa boyfriend ng anak niya ay hindi nagtutugma, so she’s giving the guy the benefit of the doubt.
Open naman sa isa’t isa ang mag-ina kaya wala silang problema. Tinatanggap ng anak ang pangaral ng kanyang ina at pinatutunayan naman ng kanyang suitor na malinis ang intensiyon nito sa kanya, kaya may go signal na siya kay Jean.
* * *
Talagang pinalaki at ginawang ispesyal ng Eat Bulaga ang kanilang palabas kahapon hindi lamang dahil sa may bago silang kalabang programa sa kabilang istasyon kundi may malaking event sila na ipinagdiwang, ang ika-30 anibersaryo nila. Pero siyempre kahit gaano kaganda ang palabas nila ay mako-curious ang mga manonood kung ano ang mapapanood sa kabila kaya para makasiguro sila na hindi sila iiwan ng kanilang manonood talagang ginawa nilang star-studded ang palabas. Mga kilalang artista ang naglaro sa maraming segments ng show at malalaking premyo at pera na naman ang ipinamigay nila.
* * *
Talagang pagdating kay Kris Aquino, wala kang maililihim. Bukod sa mga kuwento niya tungkol sa kanyang sarili, nabanggit din nito na nung pang nagti-taping sila ng mga huling araw ng Kung Tayo’y Magkakalayo ay nakahalata na siya ng gulo sa pagitan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Nagugulat pa siya na malaman niya ngayon na nagresulta rin ‘yun sa kanilang paghihiwalay. Parang sila ni James, pero mas naunang magulo ang kanilang marriage ni James sa kung anumang relasyon meron sina Kim at Gerald.