^

PSN Showbiz

Aktor pinaba-ban ng 10 years ng ex-manager sa isang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kuwentong talent at talent manager pa rin ito. Sobrang galit ng manager na ito sa dati niyang talent at lahat gagawin para hindi magka-project ang dating talent sa network, kung saan minsang sumali ang talent sa isang contest.

Nakipag-deal ang talent manager sa isang network kapalit ng exclusive coverage ng big event involving foreign celebrities para i-ban ng network for 10 years ang former talent ng talent manager. Meaning, for 10 years, hindi kukunin ng network ang talent kahit may babagay na role sa kanilang mga show.

Puwedeng isagot ng talent sa kanyang former manager na hindi lang iisa ang TV station at kung ipapa-ban siya sa isa, puwedeng sa ibang network siya lumabas.

* * *

Naintriga kami sa tweet ni Lovi Poe na “Some­times I wish I just don’t have breeding.” Hinintay naming mag-tweet uli ang singer-actress, pero hanggang mag-deadline kami, hindi na uli ito nag-tweet.

Isa sa masipag mag-tweet si Lovi, pero mula nang mahuli sa Hong Kong si Rep. Ronald Sing­son, tila tinamad na siyang mag-tweet. Hindi rin ito nagpapa-interview tungkol sa isyu kay Rep. Sing­son, hindi tuloy makumpirma kung totoong break na sila nito o may LQ lang. 

* * *

Bida-kontrabida ang role ni Jackie Rice sa Ilu­mina bilang si Krisanta, ang kakambal ni Romana (Rhian Ramos) na makakalaban ng kapatid sa kanilang paglaki. Madiing “no” ang sagot ni Jackie sa tanong kun­di ba siya nagdalawang –isip na tanggapin ang bad girl role?

 “Kahit anong role ang ibigay sa akin, tatang­ga­pin ko. Ang daming walang trabaho na mga ar­tista, magiging choosy pa ba ako? Saka kahit kon­trabida, maganda ang role ko rito na ang power ay manggagaling sa pamaypay at kayang gawin ang lahat. Kaya kong gumawa ng dragon at may fight scene pa ako, bakit pa ako aayaw?” wika ni Jackie.

Tsika ni Jackie, masaya ang taping nila dahil mag­kakaibigan silang lahat at cool na director si Mark Reyes. Makuwento raw si Rhian na pati binilhan ng cycling shorts ay itinuturo. Mabait at gen­tleman naman daw si Aljur Abrenica at laging nakaalalay sa kanila ni Rhian.

Starstruck naman siya kina Christopher de Leon at Cesar Montano na parehong ngayon lang niya makakatrabaho. Ang huli ang gumaganap niyang ama sa drama-fantasy series na magsi­simula nang mapanood bukas.

* * *

Hindi pala natuloy si Mikee Cojuangco-Jaworski na makapareha ni Ryan Agoncillo sa mini-series ng actor-TV host sa TV5 na Lady Dada. Schedule ang rason kung bakit hindi natuloy si Mikee dahil hindi siya puwedeng mag-taping ng weekend na siya namang libreng araw ni Ryan para mag-taping.

Si Lara Quigaman ang ipinalit ng TV5 kay Mikee at bale reunion nila ni Ryan ang Lady Dada dahil nagtambal na sila sa isang pelikula. This Au­gust na sisimulan ni direk Joyce Bernal ang taping ng mini-series at first week ng September ang airing. Kung magiging successful, baka hindi lang five episodes ang itakbo nito at baka gawing one season.

Bukod kay Lara, kasama rin sa Lady Dada sina Roderick Paulate at Keem­pee de Leon.

Good cast ito kaya ma­kakaasa ang viewers ng isang masaya at nakata­tawang comedy show. Hini­ram ng TV5 si Marco Alcaraz sa GMA 7 para sa role ng ex-BF ni Lara, pero hindi pina­yagan dahil nasa Endless Love at exclusive ang contract sa network.

ALJUR ABRENICA

CESAR MONTANO

ENDLESS LOVE

HONG KONG

JACKIE RICE

JOYCE BERNAL

LADY DADA

SHY

TALENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with