Mariel panay pa rin ang pa-cute kay Robin

Seen : Nag-guest kahapon sa pilot telecast ng Pilipinas Win na Win ang karamihan ng mga sikat na artista ng ABS-CBN bilang suporta sa show na humalili sa timeslot ng Wowowee.

Scene : Hindi nagkakalayo ang concept ng Pilipinas, Win na Win sa concept ng Wowowee. Pinalitan lamang ang title at idinagdag na mga co-host sina Robin Padilla at Kris Aquino.

Scene : Ngayon ang unang anibersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino. Ini­latag na kahapon sa harap ng Quirino Grandstand ang giant photo mosaic ni dating Pangulong Cory bilang pag­gunita sa kanyang ala-ala.

Seen : Ang pagpapa-cute ni Mariel Rodri­guez kay Robin Padilla sa kanilang noontime show. Nahihirapan si Mariel na itago ang nara­ramdaman para kay Robin.

Scene : Double L at double R ang correct spel­ling ng family name ni Carmina Villarroel. One R lang ang spelling ng kanyang apelyido sa press kit ng Love ni Mister, Love ni Misis.

Seen : Laylay ang ending ng Diva noong Biyer­nes. Parang tinamad ang writers ng Diva na bigyan ng magandang ending ang teleserye ni Regine Velasquez.

Scene : Ang report ng Mojo Box-Office sa re­sulta ng mga pelikula na ipinalabas sa Pilipinas noong July 7 hanggang July 11.

Show comments