International actor wish na makilala si Pacman

Nakakausap na pala ni James Yap ang kan­yang anak na si Baby James. Mismong si Kris Aquino ang nagkuwento sa Startalk na nagkau­sap ang mag-ama bago sila umuwi ng Pilipinas matapos ang tatlong linggo na pagbabakasyon sa Amerika.

Lumabas noon ang balita na miss na miss na ni James ang kanyang anak dahil hindi sila nagka­kausap. May linya si James na sinubukan niyang tawagan ang yaya ni Baby James noong nasa Ame­rika ang kanyang anak pero hindi sila nagkausap.

* * *

Nainterbyu ni Papa Ricky Lo si Jon Foo, ang bida sa international movie na Tekken. Ang ma­kilala nang personal si Manny Pacquiao ang dream ni Jon.

Malaki ang posibilidad na matupad ang wish ni Jon dahil babalik siya sa Pilipinas. Nag-promise si Jon na hahabaan niya sa susunod ang bakas­yon sa ating bansa dahil maraming lugar ang kan­yang gustong puntahan.

* * *

Alam n’yo ba na present sa blessing ng Shi­nagawa Lasik & Aesthetics Center si Kiyoshi Wa­kamiya? The who si Wakamiya? Siya ang Japa­nese journalist na kasabay ni Senator Ninoy Aquino sa eroplano noong bumalik ito sa Pilipinas noong August 21, 1983.

Kontrobersiyal si Wakamiya dahil naging wit­ness siya noon sa assassination ni Senator Ninoy. Napansin ang presence ni Wakamiya sa opening ng Shinagawa Lasik & Aesthetics Center dahil mga special guest din sina former First Lady Imel­da Marcos at Ballsy Aquino-Cruz.

Naulinigan ko ang balita na hindi komportable si Wakamiya nang dumating si Mama Imelda sa event ng Shinagawa at tanging siya ang naka­kaalam ng dahilan.

* * *

Nagulat ang fans ni JC De Vera sa sagot ni Rhian Ramos nang umapir ito kahapon sa Star­talk para i-promote ang Ilumina, ang bagong pri­metime show ng GMA 7 na mag-uumpisa bukas.

Nagulat ang mga tagahanga ni JC dahil parang ina­min ni Rhian na nagkaroon sila ng relasyon noong ginagawa nila ang La Lola.

Natatandaan daw nila na never na umamin si Rhian na naging special someone nito si JC pero nagbago na ngayon ang ihip ng hangin. May-I-ask nila kung bakit biglang open na si Rhian sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa past nila ni JC?

Show comments