EB mamumudmod ng grasya

MANILA, Philippines - Mamumudmod ng biyaya, grasya, at kasiyahan ang longest run­­ning noontime show na Eat Bulaga ngayong Sabado kaugnay ng ika-30 ani­ber­sar­yong seleb­ras­yon nila mula nang umere ito sa telebisyon nung Hulyo 30, 1979!

Mamamahagi ng iPad, mamahaling cell phone, at maraming cash ang daily noontime show.

Sa totoo lang, wala nang dapat pang patunayan ang noontime show dahil tatlong dekada na ito sa telebisyon. Halos lahat na yata ng bagyo, intriga, kontrobersiya at pang-aapi ay nalampasan na ng EB.

Kaya naman ang magpasalamat na lamang sa publiko sa walang sawang pagtangkilik sa kanilang main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon at mga Dabarkads na sina Ru­by Rod­riguez, Pia Guanio, Jimmy Santos, Allan K, Anjo Yllana, Michael V., Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Julia Clarete, Keempee de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, EB Babes, Sex Bomb, at Daiana Meneses.

Sa selebrasyon ng 30th year ngayong taong ito, isinilang ang 30 EB Scholars. Tinutustusan ng programa ang pag-aaral ng 30 high school students mula sa mga mahihirap pero matatalinong estudyante galing sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Buwan-buwang tumatanggap ng allowance ang mga estud­yan­teng ito na gustong matupad ang pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.

Pumili rin ang show ng EB Heroes na patuloy ang isina­sakprisyo ang kanilang buhay at oras para sa mga gawaing maka­buluhan ma­paglingkuran lamang ang kapus-palad nating kaba­bayan. Idag­dag pa riyan ang pagpapagawa ng EB Classroom sa isang tagong bayan sa Quezon bilang kontribusyon ng show sa prog­ramang edukasyon.

Sa ngayon naman, ang mga barangays at residente nito sa Metro Manila at mga probinsiya ang binibigyan ng biyaya sa portion na Juan For All, All For Juan na hini-host nina Jose at Wally.

Kaya bukod sa mga makatuturang adbokasiya, hindi pa rin ma­wawala ang katu­waan at kaligayahan sa mga portions nilang Sa Pula, sa Puti, Bulagaan, at Pinoy Henyo.

Sa muling pagbabalik naman ng nakakawindang na game na Keri Mo Teh, magpapaligsahan sa iba’t ibang challenges ang mga komedyanteng sina Ate Gay, Ate Glow, at Teri Onor.

Show comments