MANILA, Philippines - At least napatunayang imbento ang lumabas sa isang entertainment showbiz website na buntis si Kris Aquino.
Imbento dahil ayan dumating na si Kris mula sa tatlong linggong bakasyon sa Amerika na maliit pa rin ang tummy.
Dumating si Kris kahapon sakay ng PR-113 galing Los Angeles.
Ayon sa mga online reports kahapon, sinabi ni Kris sa interview sa presidential lounge na tinawagan pa siya ni Presidente Noynoy para tanungin kung totoong buntis at sino ang ama ng dinadala niya.
At heto, sinabi rin niya sa ilang nag-interview na hindi siya home-wrecker bilang sagot sa mga nagpipilit na may something sa kanila ni Sen. Chiz Escudero na alam ko ay masayang-masaya sa piling ng kanyang asawang si Tintin kaya nakakatakang pinipilit i-link ang senador kay Kris.
Pero ‘yung tungkol kay Makati Junjun Binay ay iba ang sinabi ni Kris sa interview niya sa TV Patrol. Alam daw nilang hindi pa ito ang panahon. Pero kung sakali, alam daw niyang hindi siya nito lolokohin.
Sa pagbalik ni Kris, una siyang mapapanood sa Pilipinas Win Na Win na opisyal na magsisimula ngayong Sabado. Yup, kahapon ay nag-last day na ang programang Wowowee. Balitang nag-iyakan ang mga host at maging si Luis Manzano na naging main host for two months ay nalungkot sa pagkawala sa ere ng programa. “To my Wowowee family. I will miss you and mahal na mahal ko kayo,” tweet ni Luis kahapon.
Hindi gaanong pinag-usapan ang pamamaalam sa ere ng Wowowee dahil mas inaabangan na ngayon ang PWW.
Imagine, for the first time, magsasama sa isang noontime show sina Queen of All Media Kris Aquino at ang Pambansang Utol Robin Padilla, kasama ang tatlong paborito na sa tanghalian na sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion. Ayon sa business unit head ng show na si Jay Montelibano, star-studded event ang pagbubukas ng Pilipinas Win na Win. “Piolo Pascual will be here. Si Kuya Boy Abunda, kakaiba ang gagawin niya. Close friends of both Kris and Robin will be here too at ‘yung iba would be a surprise.”
Kabilang pa sa mga guests sina Martin Nievera, AiAi delas Alas, Christian Bautista, Toni Gonzaga, Cristine Reyes, Karylle, Juris at child wonders na sina Xyriel “Momay” Manabat at Zaijan “Santino” Jaranilla.
Nang tanungin si Jay sa kung ano ang mga bago sa Pilipinas Win na Win, sinabi nitong tiyak na maraming masisiyahan sa mga mapapanood nila. “The set will stay. ‘Yung staff naman saka ‘yung mga dancers, they will stay. Pati si ‘Congratulations’ (April Gustilo), she’ll stay. It’s the game segments that will see really total change. Naka-tailor fit talaga ‘yung segments for Kris and Robin at kino-complement pa rin naman nina Mariel, Valerie at Pokwang.”
Dagdag ni Jay, magiging kaabang-abang ang bagong kombinasyon ng mga hosts. “We know of course Kris as being the Media Queen, and bihasa na siya sa pagho-host ng mga ganyang palaro. Robin has the charisma. It would actually be an interesting combination. Iisa kasi yung adhikain nila, ‘yung mapasaya ‘yung tao. So both have the heart. Both have the passion. It’s very very interesting to see the combination.”
Ngunit higit pa sa mga hosts, inihayag ni Jay na ang bagong hatid na palaro at papremyo. “Focused ang Pilipinas Win na Win sa indibidwal, barangay, pamilya at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Mamimigay pa rin siyempre ng milyong papremyo. Pero ngayon, mas maraming mananalo. Kasi kung dati, ‘yung games ay one-is-to-one, ngayon, mas pampamilya at mas pangmaramihan. It’s interactive with the barangay at may palaro para sa pamilya,” ani Jay.
Samantala, sa gitna ng kanyang rehersal para sa opening number niya, isang mensahe ang ipinarating ni Robin sa mga manonood na excited na silang makita. “Ako’y nagpapasamalat sa pamunuan ng ABS-CBN at sa lahat ng mga taong nagdasal na magkaroon ng pag-asa at maisakatuparan ang programa namin. Dito lalo po nating gagawing bida ang mga tao. Kami ay tagapangasiwa lang ng programa. Sisiguraduhin kong mananatiling bida, unang-una siyempre ang mga kababayan nating mga Pilipino,” sabi ng action star.
* * *
Hindi napilit si Toni Gonzaga na magsalita pa tungkol sa naudlot nilang pelikula ni Robin Padilla nang magkaroon ng launching ang bago niyang album na All Me the other night.
Say ni Toni, ayaw na niyang humaba ang kuwento kaya hindi na magsasalita at iwi-wish na lang niya ng happiness sina Robin at ang kaibigan niyang si Mariel Rodriguez.
“Kung magsasalita pa ako, hihingan pa ng reaksiyon ang kabilang panig, hahaba pa. Tama na, tapusin na natin,” katuwiran ni Toni tungkol sa issue na ayaw ni Robin ituloy ang pelikulang nasimulan na nila dahil attached siya as in may boyfriend siya (si Paul Soriano).
Nakiusap na rin siyang huwag nang gawan ng intriga ang pagkakaibigan nila ni Mariel dahil nanatili naman silang magkaibigan.
Pero aminado siyang umiiwas siya sa mga isyu at ayaw na niyang malaman pa ang mga nangyayari.
“Huwag na nating gawan ng intriga. Lilipas din ito. Lilipas din iang isyu, kasi pinag-aaway kami ng mga fans, pinag-aaway kami ng mga tao sa paligid namin,” emote niya,” tungkol sa kanila ng kanyang kaibigan.
Kuwento pa niya, pinalilipas muna niya ang issue dahil masyado pang mataas ang emosyon at ayaw niyang magbitiw ng salita na pagsisihan niya pagdating ng araw na payo rin sa kanya ng kanyang tatay.
At para patunayan na wala silang sama ng loob, aapir siya sa pilot episode ng PWW para sa promo ng kanyang album pero sinabi niyang hindi naman sila magkasama sa dressing room kaya hindi niya sure kung magkikita sila ni Mariel.
Besides wala naman daw kasing dapat iwasan dahil tapos na ang problema nila sakaling magsalubong sila ni Mariel at Robin.
Siyempre alam nating karelasyon ni Mariel si Robin.
Anyway going back to her album na All Me ni Toni ang kauna-unahang album magazine ng Star Records tampok ang bagong look at bagong sound niya.
Bukod sa Asian-touch nito, ibang tunog daw maririnig sa kanya. “Kakaiba rin po yung tunog ng tracks dito kasi may pagka-Asian sounding ang mga songs para pasok din sa region. May upbeat song dito which is also the carrier single, na kakaiba sa past albums ko. Listeners can dance to it pero andiyan pa rin ‘yung gusto ng tao sa akin na romantic ballads. Masaya ako sa album kasi bukod sa hands-on ako, alagang-alaga ako ng taga-Star Records,” paliwanag ng dalaga.
Ang two-disc album ay naglalaman ng labin-tatlong tracks. Ang ilan sa mga ito ay All Me, Can’t Help Myself, Only With You, Say You Love Me, I Love You So, Love Me, It Had To Be You, No Greater Love, You Make Me Feel at Come Back To Me plus tatlong bonus tracks. Sa isang disc ay nakapaloob ang limang music videos na idinirehe lahat ni Paul Soriano.
Available na rin ang All Me album sa iba pang Asian territories gaya ng Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, Korea, Japan, Taiwan at Hongkong.