Mga nag-opera kay Nora ayaw magsalita!

Nagpunta ako kahapon sa opening at blessing ng Shinagawa Lasik & Aesthetics sa Makati City dahil hindi ako makatanggi sa imbitasyon ni Aster Amoyo.

As usual, ako na naman ang early bird dahil 3:00 p.m. ang invite pero dumating ako ng 2:00 p.m. Ipi­na­kita sa akin ni Mama Aster ang napakalawak na lugar ng Shin.

Na-impress ako pero hindi ako natuwa sa isang mhin na sunod nang sunod sa tour namin. Nalo­ka si Mama Aster nang malaman niya na hindi ko kasama ang mhin. Ang buong akala niya, kakilala ko ang mhin at nang mag-imbestiga si Mama Aster, lumabas ang katot­ohanan na gaka (gate crasher) ang lalake. Mukhang nabasa lang ng mystery guest sa diyaryo ang balita tungkol sa blessing ng Shinagawa kaya nagpunta siya kahit hindi imbitado.

* * *

Medyo na-delay ang ribbon cutting dahil hinintay pa ang pagdating ni Pops Fernandez na naligaw sa paghahanap sa location ng Shinagawa Clinic.

Hindi lamang si Pops ang special guest dahil umapir din sina Senator Loren Legarda, Congresswoman Imel­da Marcos at Ballsy Aquino na ininterbyu ng mga reporter tungkol sa hiwalayan portion nina James Yap at Kris Aquino.

Hindi ko narinig ang mga sinabi ni Ballsy dahil hindi ako nakisawsaw sa mga nag-interbyu sa kanya.Nakipagtsikahan ako kay Mama Imelda na maraming kuwento sa kanyang bagong career bilang house representative ng Ilocos Norte.

Oo ang sagot sa mga magtatanong kung nagbatian sina Mama Imelda at Ballsy dahil mga edukada naman sila. May respeto si Ballsy sa mga nakakatanda sa kanya kesehodang matindi ang political rivalry noon ng mga Marcos at Aquino.

* * *

Present sa blessing ng Shinagawa ang mga Japanese owner. Nabigo ang mga reporter na main­terbyu ang mga Japanese bossing tungkol sa isyu kay Nora Aunor dahil nag-no comment sila. Nakiusap din si Mama Aster sa press na huwag nang pag-usapan si Nora.

* * *

Maraming-maraming salamat kay Papa Miguel Bel­monte dahil sa big surprise na natanggap ko mula sa kanya.

Hindi ko sasabihin ang big surprise ni Papa Miguel dahil kaiinggitan lamang ako ng iba. Hahayaan ko kayo na magdusa sa kaiisip sa sorpresa niya sa akin. Basta ang mahalaga, na-realize ko na love talaga ako ni Papa Miguel at bilang kapalit, ipapangako ko na aawayin ko ang sinuman na mang-aapi sa kanyang misis na si Mil­lette at anak na si Regina. Promise!

* * *

Nakita ko na ang newly-renovated office ni Councilor Alfred Vargas sa Quezon City Hall. Blue and white ang color motif ng office ni Alfred dahil blue ang kanyang favorite color. Nagmukhang maluwag ang maliit na space ng office dahil mga built in cabinet ang ipinagawa ni Alfred. Type ko ang wide screen monitor ng computer ni Alfred na puwedeng i-convert sa TV. Naabutan ko sa opisina ni Alfred ang mga tao na humihingi sa kanya ng tulong.

Walang umuuwing luhaan dahil tinutulungan sila ni Alfred sa abot ng makakaya nito.

Show comments