MANILA, Philippines - Nagbabalik sa concert scene si Janet Basco, isa sa mga magagaling na pop-jazz singers ng bansa. Dalawa agad ang shows niya, bilang guest ni Eumir Deodato, sa Whirlwind Tour 2010 na gaganapin sa SMX (MOA) on July 31 at sa Dusit Thani Hotel on Aug 1. “I am so excited to be a part of Eumir Deodato’s show. He’s been one of my favorite musicians ever since his rearrangement of Richard Strauss’ Also Sprach Zarathustra,” sabi ni Janet.
Kahit masaya at kuntento na si Janet bilang devoted housewife and mother sa apat na anak sa asawang si Johnny Revilla, kapag may dumarating na oportunidad na mag-perform muli tulad nitong kay Eumir, hindi nag-aatubiling umakyat ng stage ang respetadong singer. Madalas niyang nami-miss ang mga shows lalo’t espesyal.
Paborito niya si Eumir noon pang Vineyard at Calesa Bar days at jazz fusion ang usong genre.
Naalala ni Janet na ang mga best session musicians noon ay type na type ring maki-jam sa mga versions na Rhapsody in Blue at Moonlight Serenade. Say ng singer, “These songs always got the crowd going.”
Pinaghandaan ni Janet at ng mga kasama niya sa dalawang shows ang mga kantang Seawind na Devil’s a Liar at Follow Your Road.
“I now note that Seawind’s songs have strong Christian messages. I definitely can relate to them much more now,” sabi ni Janet na isa nang Christian.
Kakantahin din niya ang Lately ni Stevie Wonder at ang sariling bersiyon niya ng How High the Moon. Pangako pa ni Janet na mag-e-enjoy ang mga manonood ng concert sa SMX at Dusit dahil maganda ang mga napili nilang kanta.