Aljur parang reflection ni John Lloyd

May mga nanibago kay Aljur Abrenica sa presscon ng Ilumina dahil sa kanyang outfit. Very metrosexual ang hitsura ni Aljur dahil sa kanyang suot na bitin na pants at makulay na damit sa publicity photos ng bagong primetime show ng Kapuso Network.

Ang feeling ng mga nakakita kay Aljur, reflection siya ni John Lloyd Cruz na nagbalik sa fashion ng pagsusuot ng bitin na pants at sapatos na walang medyas.

May stylist yata na nag-aasikaso sa ward­robe ni Aljur ngayon kaya new look ang drama niya sa kanyang mga eksena sa Ilumina.

* * *

Frederico ang name ng karakter ni Chris­topher de Leon sa Ilumina. Si Boyet ang ga­ga­nap bilang tatay ni Aljur at presidente ng Royal Salcedo Construction.

Isang pilantropo si Frederico at siya ang ma­giging instrumento para mapaghiwalay ang mga katawan nina Romana at Krisanta na gina­gampanan nina Rhian Ramos at Jackie Rice.

Bida-kontrabida ang role ni Boyet sa Ilumina at wala itong conflict sa mga responsibilidad niya bilang No. 1 board member ng Batangas.

* * *

Napatunayan ko ang kabaitan ni Sarah Ge­ro­nimo nang magkita kami noong isang araw.

Napakatahimik pala ni Sarah at pangiti-ngiti lang siya. Ang kanyang nanay na si Divine ang sumasagot sa mga tanong ko.

Napakasuwerte ng mga magulang ni Sarah sa pagkakaroon ng anak na katulad niya. Ma­galang, tahimik, at walang ka-ere-ere.

Walang-wala sa ugali at kilos ni Sarah na sikat siya dahil napaka-humble niya. Kung ka­tulad ni Sarah ang lahat ng mga anak, okay lang sa akin na magkaroon ng sampung anak na kagaya niya.

* * *

Nalungkot ako nang mabalitaan ko na last day na ngayon ng Wowowee pero ano ang ma­gagawa natin, talagang ganyan ang buhay. Nothing is permanent.

May mga nagtatanong sa akin kung na-hurt ba si Willie Revillame sa desisyon ng ABS-CBN na isara ang kanyang noontime show. Hin­di ko alam ang tumpak na kasagutan dahil hindi kami nagkakausap ni Willie pero naniniwala ako na handa ang kalooban niya sa anumang mang­yayari.

Mas masakit siguro para kay Willie ang pagsa­­sara ng Wowowee kung siya pa rin ang host ng show. Hindi natin dapat kalimutan na si Willie ang unang nag-declare na hindi na siya ba­balik sa Wowowee nang iwanan niya ito.

* * *

Naghahanap at naghihintay pa rin ako sa magmamagandang-loob na magbibigay sa akin ng mga complimentary tickets para sa Cats.

Gustung-gusto ko na mapanood ang musical play na pinagbibidahan ni Lea Salonga kahit na­panood ko na ito noon sa ibang bansa, ka­sama si Rudy Fernandez.

Hindi ko malilimutan na napaiyak si Daboy ha­bang pinapanood namin ang pagkanta ng Me­mory ng American singer na hindi ko na ma­tandaan ang name.

Si Daboy ang naaalala ko kapag naririnig ko na pinatutugtog sa radyo ang Memory dahil sa bonding moments namin noon.

Can afford ako na bumili ng tickets para ma­pa­nood ko ang Cats pero sayang naman ang datung kung may magbibigay sa akin ng mga compli tickets. Balewala ang harbatera image ko kung bibili pa ako ng tiket.

Sponsor ng Cats ang Star Publishing, Inc. May compli tickets kaya si Papa Miguel Bel­monte? Hindi ako nanghihingi ha? Nagtatanong lang ako kung may mga complimentary tickets siya para sa pinag-uusapan na musical play ni Lea.

Show comments