Mikey mailap, 'di matanong tungkol kay Rufa Mae
Umapir si Congressman Mikey Arroyo sa State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy noong Lunes pero umuwing luhaan ang mga reporters na nag-abang sa kanya sa Batasang Pambansa dahil hindi siya pumayag na magpa-interbyu.
Na-master na ni Papa Mikey ang pag-iwas sa media, lalo na sa showbiz press dahil alam niya na tungkol kay Rufa Mae Quinto ang itatanong sa kanya.
Matagal nang hinahanap si Papa Mikey ng mga entertainment reporters dahil naging ilang buwan ang isyu ng diumano’y relasyon nila ni Rufa Mae. Walang napala ang showbiz press na naghintay kay Papa Mikey dahil nakatalilis ito.
Hindi ko na alam ang contact number ni Papa Mikey kaya wala na akong communication sa kanya. Ipinarating lang niya sa akin na siya ang personal na tatawag sa takdang oras.
Ang magpaka-low profile muna ang priority ngayon ni Papa Mikey.
* * *
Walang news blackout tungkol sa pagkakakulong ni Congressman Ronald Singson sa Hong Kong.
May nagkuwento sa akin na walang balita sa Hong Kong tungkol sa drug trafficking case ng boyfriend ni Lovi Poe dahil iginagalang ng HK Police ang karapatan ng mga suspect.
’Yun nga lang, nakakapanghina ang mga balita na baka makulong sa HK ng walong taon ang kongresista dahil mabigat ang parusa sa mga tao na nahuhulihan ng ipinagbabawal na gamot.
Napakatagal na panahon ang siyam na taon, eh 41 years old pa lang si Ronald. Hindi pa nagbibigay si Ronald ng statement tungkol sa kanyang kaso pero nakatakda sa Aug. 19 ang hearing. Tiyak na lilipad sa Hong Kong ang mga TV reporters mula sa Pilipinas para i-cover ang pagdinig sa kaso ni Ronald.
* * *
Hindi madali ang pinagdaraanan ni Lovi Poe kaya dapat igalang ang pakiusap ng kanyang kampo na huwag na siyang interbyuhin tungkol sa nangyari sa boyfriend niya.
Siguradong ikinalungkot ni Lovi ang trahedya na dumating kay Ronald. Tuwang-tuwa si Lovi nang mag-win siya ng best actress award sa 2010 Cinemalaya pero napalitan ng sadness ang happiness niya dahil sa malungkot na nangyari sa kanyang boyfriend.
* * *
Hindi na ako nakapunta kagabi sa presscon ng Ilumina sa Pasig City dahil may pinagkaabalahan ako na hindi ko puwedeng ipagpalit sa bonggang launch ng bagong fantaserye ng GMA 7.
Kasali sa Ilumina ang aking alaga na si Christopher de Leon. Saka ko na ipapaliwanag kay Boyet ang dahilan ng hindi ko pagsipot sa presscon ng Ilumina.
Maganda ang role ni Boyet sa Ilumina at lalong naging challenging ang kanyang papel nang madagdag sa cast si Cesar Montano.
* * *
Alam ko na ang sikreto ng seksi na pangangatawan ni Glydel Mercado. Umiinom siya tuwing umaga ng “greens.”
“Greens” ang tawag ni Glydel sa limang klase ng gulay at prutas na dinudurog sa pamamagitan ng blender.
Araw-araw ang pag-inom ni Glydel ng “greens” kaya glowing ang skin niya at kontrolado ang kanyang timbang. Kailangan ko pa bang sabihin na kulay berde ang mga dinurog na gulay at prutas na iniinom ni Glydel? Kaya nga greens ang tawag niya ’no!
- Latest