Aktor na syinota ng manager magde-demanda

Na-tweet ni Ces Drilon at nabalita na rin siguro sa newscast ng ABS-CBN ang aksidenteng pagkikita nina Sen. Tito Sotto at Sharon Cuneta sa lobby ng ABS-CBN bago mag-guest ang senador sa The Rundown. Nanghinayang si Ces na hindi na-record ang pagkikita ng dalawa dahil nga biglaan.

Mabilis ang nasabing pagkikita nina Sen. Tito at Sha­ron at ilang araw pa lang ang nakakaraan, sa presscon ng kanyang Mega Drama concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa August 7, nagpa­hayag ng lungkot si Sharon na hindi suportado ni Sen. Sotto ang pagtakbong senate president ng husband niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Bago ang botohan, umatras si Sen. Kiko sa senate presi­den­cy race dahil kulang siya sa boto ng kapwa senador, kaya si Sen, Juan Ponce Enrile ang muling nahalal na Senate Pre­sident. Si Sen. Tito naman ay Ma­jority Floor Leader.

* * *

Nagbalik-tanaw si Eugene Domingo sa solo presscon niya ng Mamarazzi na sa Regal Films pala ang first movie niya. Nasa UP pa siya nang lumabas sa Emma Salazar ni Alice Dix­son noong 1991. Sa Regal din ang first major role niya at ito’y sa Bahay Kubo na bida si Maricel So­riano na entry sa Metro Manila Film Festival.

Kaya tuwang-tuwa si Eugene na ang Mamarazzi ang first Regal movie na ipalalabas sa 50th anniversary ng movie company. Kinuwento na rin ni Eugene ang nangyaring conflict sa kanila ni Mother Lily Monteverde na dala lang daw ng miskomunikasyon.

Si Diether Ocampo ang leading man ni Eugene sa nabanggit na pelikula na sinibasib niya ng halik. Una na niyang na­ka­halikan si Dingdong Dantes sa Kimmy Dora. Sino pa ang gusto niyang mahalikan sa mga actor?

 “Si Piolo Pacual, si Derek Ram­say at isa sa mga Brazilians. Paba­yaan n’yo na akong makipag­halikan sa mga hunk, sa pelikula lang ito nangyayari,” wika ni Eugene.

Showing sa August 25 ang Mamarazzi sa direction ni Joel Lamangan kung saan ang cast ay pinaghalong Kapamilya at Ka­puso talents.

* * *

Nauuso ang hiwalayan ng mga talent manager at kanilang talent at laging may kakabit na isyu ang pag­hihiwalay ng manager at hawak nilang artista.

Pero ang paghihiwalay ng talent manager at controversial niyang talent ang isa siguro sa magiging maingay kung itutuloy ng talent ang planong pagde­demanda sa iniwang manager dahil wala na raw maibi­gay na project sa kanya.

Bale ba’y nagsasalita ang talent at nabanggit na sa lahat ng mga akusasyon sa kanya ng iniwang manager, isa lang ang sagot niya at ito’y ang “syinota mo ako.”

Ay, grabe na ito, pero tama ang press, bakit pu­mayag ang talent na syotain siya ng manager at hindi pu­mayag na maging talent-manager lang ang relasyon nila.

Show comments