MANILA, Philippines - Hindi lahat ng cooking oil ay pare-pareho ang pagkakagawa. Ito ang napag-isipan ng celebrity mom na si Suzi Entrata-Abrera matapos makagamit ng Golden Fiesta Palm Oil.
“Hindi ko alam ang mga differences between the cooking oil brands dati. I thought they are all the same,” sabi ng 34-year-old mom na enjoy magluto para sa asawang si Paulo at tatlong anak na sina Leona, Jade, at Nela.
Ayon sa mga pag-aaral, ang palm oil ay nakakatulong para mapanatiling malusog ang puso at katawan dahil ito ang klase ng mantika na walang cholesterol.
“We eat a lot of fried food in our house especially our kids. Ito rin ang madaling paraan ng pagluluto. That’s why I want to use a cooking oil brand that’s a healthy alternative for my family,” sabi ni Suzi.
Ang Golden Fiesta Palm Oil ay may Omega 9 na siyang mabuti para sa puso dahil pinapataas nito ang good cholesterol sa katawan at pinabababa naman ang bad cholesterol. Kaya naman maiiwasan ang mga heart diseases at stroke.
Bukod sa Omega 9, may Vitamin A din ang Golden Fiesta Palm Oil na nakakapagpabuti sa paningin, nakalalaban sa mga impeksiyon, at nakapagpapalakas ng mga ngipin at buto.
Kung ikukumpara sa coconut oil, ang palm oil ay may mataas na tinatawag na smoke point. Ibig sabihin, hindi ito madaling makasunog ng niluluto at napi-preserve pa ang lasa at hitsura ng pagkain.
Sabi ni Suzi na mahilig ding magluto ng Thai food, love na love ng mga kids niya ang fried chicken, hotdog, at pork chop.
“Using Golden Fiesta Palm Oil in frying makes food look and taste really good,” dagdag pa niya.
Malaking bagay din para kay Suzi ang “value for money” sa pagpili ng mantika sa bahay.
“It is not only about the price of the product but also its quality and the benefits that you get from it. So, if you want a value for your money cooking oil brand, Golden Fiesta Palm Oil is your best choice,” diin pa ni Suzi.