^

PSN Showbiz

'Bilog ang Bola' para kay James Yap

-

MANILA, Philippines - Kadalasan siyang naaalala ng mga Pilipino bilang asawa ng kon­tro­bersiyal na aktres na si Kris Aqui­no o kaya naman ay ang ama ni Baby James. Ma­katawag pansin ang mga billboards niya sa EDSA at mga patalastas sa diyaryo at magasin.

Pero tila nakakalimutan ng mga tao na may iba pang mundong ginagalawan si James Carlos Yap, Sr. o mas kilala bilang James Yap. At iyan ay ang propesyon niya bilang isang magaling at na­mu­mu­kod-tanging basketbolista sa kanyang henerasyon.

Pinuputakte man ng problema sa buhay mag-asawa, nanatiling matagumpay si James sa kan­yang napiling propesyon. At kahit nga­yong napi­layan ang kanyang team ng dalawang mahusay na man­lalaro sa papainit lalong Fiesta Confe­ren­ce ng (Philippine Basket­ball Association (PBA), lalong tumitindi ang kanyang tung­kulin na depen­sahan ang kanyang koponan para mapabi­lang sa finals.

Tulad ng ibang mga basketbolista sa bansa, naging isang ordinar­yong manlalaro lang din si James kung hindi napansin ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang ka­bilib-bilib at kamangha-mangha niyang galing sa basketball. Naging inspiras­yon ang probinsiyanong tubong Negros Occidental para sa napa­karaming kabataang gusto ring makilala ang kanilang pam­bihirang galing sa basketball. Marami sa kanila ay mga galing sa mahihirap na pamilya sa pro­bin­siya na nangangarap ding mabigyan ng tsan­sang umangat sa buhay.

Kilalang kulelat ang NU o National University sa UAAP. Noong 1954 pa ang una at kahuli-hu­li­han nilang titulo bilang kampeon sa UAAP kaya naman sila ang tinaguriang crying babies sa liga. Pero ma­laki ang kumpiyansa nila kay Joseph “Cocoy” Her­mo­sisima, ang star Player ng NU Bull­dogs na galing Davao City.

Sa kabilang banda naman, matindi rin ang pres­sure sa FEU dahil kailangan nilang pro­tek­tahan ang kanilang pinakaiingatang reputas­yon bilang may hawak ng 19 championship titles, ang pina­ka­maraming bilang ng panalo sa UAAP. Kaya naman lalong pinagbubutihan ng star player ng FEU Tamaraws na si Aldrech Ramos ang kan­yang depensa. Sa pagtutunggali ng Bulldogs at Ta­­ma­raws sa UAAP, sino kaya sa kanila ang magwawagi?

Huwag palalampasin ang maaksiyon na doku­mentaryong Bilog ang Bola ni Howie Severino sa I-Witness ngayong Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi.

ALDRECH RAMOS

BABY JAMES

DAVAO CITY

FIESTA CONFE

HOWIE SEVERINO

JAMES CARLOS YAP

JAMES YAP

KRIS AQUI

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with