Anak nina Martin at Pops hindi takot makumpara

MANILA, Philippines -  Tatlo ang itinanghal ng MYX VJ Search winners nga­yong taon - sina Julz Savard, Ton Ver­gel De Dios at Robin Nievera. Sa finals night na ginanap sa Music Hall ng SM Mall of Asia, ini-award sa tatlong bagong MYX VJs ang head­phones mula sa Beats by Dr. Dre; shopping spree sa SM SCubed ac­ces­sories; gift certificates mula sa Folded and Hung at Jelly­bean at ang pinaka-aasam na six-month contract sa nangungunang music channel sa bansa, ang MYX. 

Ayon kay Andre Allan Alvarez, channel head ng MYX, maganda ang kumbinasyon ng tatlong bagong VJs. “The three make a good com­bination. They have very distinct persona­lities and different types of sense of humor. But they’re all musically inclined.”

Dagdag pa ni Alvarez, maraming viewers ng MYX ang tiyak na makaka-relate kina Julz, Ton at Robin. “Ton is a musician and a fan of MYX ever since he was a kid. And I think he brings the point of view of the typical MYX fan/viewer. So, we’re hoping that the fans watching in TV can easily connect with Ton. Julz brings a lot of spunk. Her in-your-face attitude is some­thing that a lot of boys and girls can easily identify with and she’s able to project it in a way that looks classy and intense. Robin has a very unique stance. His personality is quite different from the others. His sharp wit and deadpan humor will add something new for our viewers. They really make a very inte­res­ting bunch! We’ve never had this kind of com­bination before. And I think everyone will be bringing something that’s unique.”

Samantala, sa isang exclusive backstage inter­view, fresh mula sa kanilang pagkapanalo, ibinahagi ng tatlong MYX VJ Search 2010 winners ang kanilang nararamdaman sa kanilang ‘newfound stardom.’

Pahayag ng 18-year-old creative writing student mula sa Ateneo de Manila University na si Julz, pangarap na niyang maging MYX VJ mula pa noong 14 years old siya. “When I joined I was like telling myself, ‘This is it! It’s my chance’ and now I got it! I’m really so happy! I think the public voted for me because they just like the true me. The hair could’ve helped. But I think it’s really the personality that I brought with everything else. Now that I’m on MYX, they can expect a lot of laughter, a lot of joy, and a lot of smiles to all the MYX viewers.”

Ayon naman kay Ton, na isang communication student mula rin sa Ateneo, sa ngayon, gusto na muna niyang namnamin ang pagkapanalo niya. “This is something I really want. I’ve been a fan of MYX since I was knee-high. And now that I’m officially part of it, I’m just so thankful and excited. Now that I’m here, I’m gonna bring more attitude and more rock ‘n roll in MYX!”

Tulad ni Ton, excited na rin si Robin, music production student sa De La Salle College of Saint Benilde, sa mga mangyayari. “I’m gonna give wha­tever I can give, which is my randomness and my dad’s wit (Martin Nieverra) and my mom’s (Pops Fernandez) quick mouth whatever that means. To my supporters, thank you so much. You have no idea how much this means to me. I’m gonna make it up by speaking in Tagalog soon.”

Nang tanungin si Robin kaugnay ng posibilidad na ikumpara siya sa kanyang mga celebrity parents, agad niyang sinagot na tanggap niyang mangyayari ito. “I know all of you guys will compare me to my parents. People will say that I’m just their shadow. But this is not about shadows. It’s not even about me following my dad. I really enjoy doing the music scene: singing, writing and hosting. This is gonna be something that I really wanna do.”

Host sa MYX VJ Search 2010 finals night ang mga current MYX video jocks na sina Iya Villania, Nikki Gil, Robi Domingo, Chino Lui-Pio, Bianca Roque, Nel Gomez at Janine Ramirez. Kabilang naman sa mga guest performers si Pilipinas Got Talent finalist Markki Stroem at mga bandang Spon­ge Cola at Tanya Markova. Nag-perform din sa finals night ang 12 MYX VJ Search finalists. Du­malo rin sa event ang Pinoy Big Brother Teen Clash housemates na sina James Reid, Ryan Bang, Ann Li at Ivan Dorschner bilang suporta sa kanilang fellow housemate na si Bret Jackson na ipinakilala sa publiko bilang Guest VJ ng MYX sa loob ng tatlong buwan.

Ang breakthrough R&B singer na si Jay Sean ay nakatakdang dumating sa Manila para sa one-night concert niyang Jay Sean in Manila na gaganapin sa September 3, 8:00 pm sa Araneta Coliseum. Ang sikat na singer ang nasa likod ng mga hit songs na Down at Do You Remember.

Siya ang kauna-unahang South Asian na nag­ka­roon ng No. 1 hit song sa Billboard Hot 100 at nakatrabaho niya sa Down ang American rapper na si Lil Wayne samantalang sa Do You Re­member naman ay sina Sean Paul at Lil Jon. Mil­yong kopya na ng album niyang All or Nothing ang bumenta at naging big hit sa America.

Tinaguriang one-man boy band, ang concert ni Jay Sean ay prodyus ng Blued­ream Enter­tainment na bahagi ng JC Minerals Group sa Ma­kati City na isa sa pinakamalaking mineral traders sa Pilipinas. Maliban sa concerts ay nasa pelikula at events production din sila.

Indian descent si Jay Sean na ang tunay na pa­nga­lan ay Kamaljit Singh Jhooti. Siya ay ipi­nanganak at lumaki sa London at noong 2009 ay kasama siya nina Taylor Swift at Alicia Keys sa charity concert na inorganisa ni Justin Tim­berlake.

Ang mga presyo ng tikets para sa Jay Sean in Manila ay ang mga sumusunod: VIP P6,102, Patron P5,300, Lower Box P4,122, Upper Box A P3,024, Upper Box B P1,593, at General Ad­mission P530. Mabibili ito sa lahat ng SM Ticketnet outlets. Para sa karagdagang kaalaman at detalye tumawag sa 911-5555.

Show comments