Rhian attracted kay Aljur
Nakausap namin si Rhian Ramos sa presscon ng Kaya Ng Powers. Ang karakter ni Hilary Powers, kikay na panganay ni Dr. Robert Powers (Joey Marquez), ang gagampanan na role ng young star.
First time nitong mag-sitcom at naniniwala na kapag magaling ang isang artista, kaya nitong mag-drama at mag-comedy.
“Iba ang treatment sa paglabas sa isang sitcom dahil light ito. Kailangan magaling sa timing, kung paano bumato ng linya, at dapat hindi dry,” sabi ni Rhian.
Excited na rin siyang makatambal si Aljur Abrenica sa isang teleserye na magsisimula ngayong September.
Tanong namin kay Rhian, How do you find him as your new leading man?
Sagot niya : “Ang pogi niya, attractive at gentleman. Inihahatid pa niya ako kapag sasakay na sa kotse.”
Game pa na inamin ni Rhian na handa na siyang ma-link kay Aljur at baka nga ma-develop sila sa isa’t isa.
***
Super kontrabida ang role ni Bearwin Meily na kasama rin sa Kaya ng Powers. Siya si Donald na apprentice ni Dr. Robert kung saan dahil sa inggit ay magiging masama ito.
Napuna namin na nakapagbawas ito ng timbang at malaki ang nagawa nang pagtakbo ng anim na beses sa loob ng isang linggo.
“Nagsisimula ako sa pagtakbo ng alas-singko ng umaga araw-araw ng sampung kilometro. Natatakbo ko mula Buendia hanggang sa GMA,” say ni Bearwin.
***
Tumiba sa takilya ang The Last Airbender ng Solar-UIP. Ang ganda ng pelikula lalo na ’yung mga special effects ng elemento ng fire and water.
Ang galing ng bidang si Noah Ringer na gumanap bilang batang si Aang, isang reluctant hero na mas gusto pa ang pakikipagsapalaran kaysa sa kanyang tungkulin bilang Avatar. Si Aang ang siyang kinikilalang Avatar na may taglay ng physical embodiment ng mga elemento.
- Latest