Direk Portes inireklamo ng pangongopya ng script

Dalawa sampera talaga ang mga babaeng kahit ano ay gagawin maging artista lamang. Ang pag-aar­tista kasi ang pinaka-madaling paraan para maki­lala at magkapera ng mabilisan. Ang kinikita kasi ng ar­tista, kahit pa siya baguhan ay higit pa sa isang may magandang trabaho. Kapag sinu­wer­­te ka pa, ang isang taong kita ng isang ordinar­yong empleyado ay maaring kitain ng ilang araw lamang.

Si Althea Vega ay nakakaanim na pelikula na. Pinakahuli niya ay ang pinilahan sa katatapos na Ci­ne­­malaya, ang Halik sa Tubig, isang pagsasa­peli­ku­la ng isang folklore from Binangonan tungkol sa isang diwata na siyang sinasabing dahilan ng pag­ka­wala ng maraming kalalakihan sa nasabing lugar. 

Nang mapanood ko ang pelikula ay hindi ko ga­anong naintindihan pero dahil katabi ko si Althea, naipaliwanag niya ng malinaw ang tinatakbo ng istorya.

Maganda si Althea, medyo nasa dark side ang kulay, may mahabang buhok at look alike nina Lovi Poe, Tetchie Agbayani at Amy Perez.

Bata pa siya, pangarap na niyang maging artista pero hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang na mag-artista kung hindi niya tatapusin ang kanyang pag-aaral kaya nagtapos muna siya ng MassCom sa isang unibersidad sa Las Piñas bago nakipagsapalaran sa pelikula.

Dalawang taon nang artista ang dating si Melo­dy Ann Cortez. Walang nag-discover sa kanya. She discovered herself for the movies. Nag-au­di­tion siya para sa kanyang unang pelikula, ang Walang Kawala ni Joel Lamangan na kung saan gumanap siyang asawa ni Polo Ravales. Nasun­dan pa ito ng mga peli­kulang Big Night, I Love Dream Gays, Kolorete at ito ngang Halik sa Tubig. Dalawa ang pelikula niya sa katatapos na Cine­malaya, ang Halik sa Tubig ni Bong Ra­mos at ang Two Funerals ni Gil Portes.

Layunin ni Althea Vega, na siyang pumili ng kan­yang screen name na Greek words na ibig sa­­bi­hin ay star goddess, na makilalang isang ser­yo­song aktres at magtagumpay na makapag-cross­over mula sa bold films hanggang sa main­stream movies, katulad nina Ana Capri, Jaclyn Jose at Tetchie Agbayani.

Katulad ng mga nabanggit na aktres, wala rin siyang kiyemeng tumanggap ng mga bold roles.

***

Umaagaw din ng pansin sa Halik sa Tubig ang direk­tor nitong si Bong Ramos. Kini-claim nito at ipinarating na niya ang kanyang reklamo sa komite ng Cine­malaya na malaki at marami ang pagka­kahawig ng pelikula ni Gil Portes na Two Funerals na ipinalabas sa Cinemalaya at nanalo ng awards sa pelikula niyang Biyaheng Norte.

Sinasabi niyang nakita’t nabasa ni Portes ang script niya ng nasabing pelikula na isinumite niya para makasali sa Cinemalaya pero hindi ito napili. Naging inte­re­sado pa nga raw si Portes at inalok siyang bibilhin ang script niya para ma­gawa itong peli­kula pero tumanggi siya. Ipinapaalis pa nga nito sa kanya ang isang character sa istorya niya na isang bading pero katuwiran niya ay maha­la­gang bahagi ito ng istorya, pambalanse ito sa ma­chismo ng kanyang istorya. Gusto ni Direk Bong na siya ang gumawa ng pelikula na inaasahan niyang magiging dream movie niya kaya hahanap siya ng magpo-prodyus nito.

Ang istorya ng Two Funerals at Biyaheng Norte ay tungkol sa pagdadala ng bangkay sa probinsiya at ang mga kuwento sa naging biyahe nito. Sinabi niyang ipo-pursue niya ang kaso hanggang sa kung saan ito abutin.

***

Masaya at kaabang-abang ang episode ngayong hapon sa Showbiz Central. Siguradong may mala­lamang hindi pa nabubunyag tungkol kay Regine Ve­lasquez dahil mga informants niya ang magri-re­veal ng mga ito. Makaya kaya nilang ilagay siya sa alanganin?

At sino naman itong dalawang aktor na nag-aagawan sa puso ng isang singer/actress? Sa ka­nilang paghaharap-harap, sino kaya sa kanila ang pipiliin ng singer/actress?

At si Vilma Santos kaya kuntento sa trabaho ni Jillian Ward bilang bagong Trudis Liit? Mata­tandaan na sila ni Connie Angeles ang gumanap ng role ng dalawang bidang bata nung unang isapelikula ito.

Talagang all out sa promo ng Kaya Ng Powers ang cast nito na wala yatang programa sa GMA 7 na pinalampas. Kung sabagay, first time ito after a long while na nag-sitcom muli ang Siete kaya na­man ipinaaalam nila ito sa kanilang manonood.

Show comments