Dra. Belo tinawagan ng Amerikanong manager ni Charice

Scene : Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang Hating Kapatid nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

Seen : Hindi natuloy kahapon ang presscon ng GMA Films para kay Claudine Barretto. Postponed sa ibang araw ang presscon sa lead actress ng In Your Eyes.

Scene : Kagabi ang Thanksgiving Party ng cast ng Diva. Magwa­wakas sa Biyernes ang top-rating teleserye ni Regine Velasquez.

Seen : Excerpts ng Cats ang ipinakita kahapon sa press preview. Ngayon ang grand opening sa CCP Main Theater ng musical play na tinatampukan ni Lea Salonga.

Scene : No comment si Dra. Vicki Belo sa isyu ng Botox procedure kay Charice dahil ito ang request ng US manager ng young Pinay singer.

Seen : Ang pauli-ulit na pagsasabi ni Sharon Cuneta na magaganda ang anak niya sa presscon ng kanyang concert. Totoo ang sinabi ni Sharon dahil si KC ang pinakamaganda sa lahat ng mga anak ni Gabby.

Scene : Ngayon ang farewell episode ng Diz Iz It. Anim na buwan din ang itinagal ng Diz Iz It sa GMA 7. Ngayon din ang grand finals ng Show­time ng ABS-CBN.

Show comments