Ogie binisita si P-Noy sa Malacañang

Bumisita kay President Noynoy Aquino si Ogie Alcasid. Yup, nagpunta siya ng Malaca­ñang para makipag-meeting sa bagong presi­dente ng bansa. Ang agenda : ang induction ng OPM kung saan presidente si Ogie.

May tweet pa nga si Ogie tungkol dito: “had a meeting today at malacañang to discuss the program for the induction of opm officers on aug 13! Pnoy gave us some chicharon!!! sarap!”

Wow yummy nga.

Anyway, nag-offer na rin kaya ng posisyon si P-Noy kay Ogie?

Isa si Ogie sa maraming taga-showbiz na ma­si­gasig na ikinampanya ang nanalong pre­sidente at may rumor dati na bibigyan siya ng puwesto sa gobyerno.

Speaking of Ogie, bukod sa maraming show niya sa GMA 7 at sa pagiging prexy ng samahan ng mang-aawit na Pinoy, heto at may bago siyang album, isang tribute album para sa itinu­tu­ring na great songwriter na si George Can­seco, ang Ngayon ay Kailanman : A Tribute to George Canseco from Universal Records.

Actually, never daw na pumasok sa isip ni Ogie na makakagawa siya ng isang ganitong al­bum kahit na nang minsang magkita sila ni Mr. Canseco noon. “I attend an awards night when George Canseco approached and con­gra­tulated me. He said I won the top prize. He already knew it, simply because he was the chairman of the board of judges,” pag-alala ni Ogie.

Say pa ni Ogie, hindi naging maramot ang ba­tikang manunulat ng kanya na i-impart ang kan­yang style ng songwriting nang gabing ‘yun na nagkita sila. Ogie added na ang mga nasabing pointers on rhyme, phrasing and right choice of words ay nakatulong para ma-improved ang kanyang technique. “George was kind enough to remind me that a song is actually a poem, so all the exact rules in creating poetry must be followed,” kuwento pa ng singer na dyowa ni Regine Velasquez.

Kaya nang dumating daw ang chance para sa Ngayon at Kailanman album, hindi na siya nag-isip dahil aminado siyang malaki ang impluwensiya nito sa kanyang mga sinulat na kanta. Inspired and gratified pa siya. Feeling ni Ogie, ang nasabing tribute album ay pagka­ka­taon na niya to express his admiration and gra­titude sa isa sa mga most prolific and greatest songwriters na ipinanganak sa local music scene.

Interpreting all the 14 songs in Ngayon at Ka­ilanman album has been a big challenge to Ogie lalo na nga’t nauna na itong na-interpret at pumatok sa ere nina Basil Valdez, Kuh Le­des­­­ma, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Pilita Corrales, Dulce, Zsa Zsa Padilla, Leah Navarro and Martin Nieverra.

Kasama sa binigyan ng bagong inter­pre­tation ni Ogie ang Yakap (first single), Ngayon at Kailanman, Ikaw, Kung Ako’y Iiwan Mo, Kai­bigan, Paano Kita Mapasasalamatan, at Gaa­no Kadalas ang Minsan at iba pa. Pero may pa­kiusap si Ogie : “please don’t compare me with all the artists who first made all these songs very popular.”

Available na sa mga record bars ang bagong album ni Ogie na kahit bongga ang career niya sa TV at pelikula, iba pa rin ang love pagdating sa pagkanta.

* * *

Mukhang nakinig si Presidente Noynoy sa advice ng isang showbiz expert na ‘wag munang maghanap ng kapalit ng mga nakapo­sisyon sa mga government agencies na may kinalaman sa showbiz – Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP) chaired by Mr. Jackie Atienza, Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB chaiman – Consoliza Laguardia) particularly. Ito lang ang dalawang ahensiyang nabanggit ng source na minsan ding nakatanggap ng offer sa bagong pangulo para sa isang posisyon sa administrasyon. Pero tumanggi ito. Hindi raw siya (source) interesado na magka-posisyon.

So far, wala pang nagagalaw sa mga ahen­siyang may koneksiyon sa showbiz kaya parang nakinig si P-Noy.

Or puwede ring wala pa siyang makuhang papalit.

We never know kung ano ang magiging desisyon ng bagong presidente. Wait na lang tayo.

Show comments