Dating relihiyosong aktor, grabe kung magmura ngayon

MANILA, Philippines - Naurong sa September ang pagpapalabas ng Inday Wanda, ang bagong sitcom ni Eugene Domingo sa TV5. Ang rason na ibinigay nila – para magkaroon ng more time sa post-pro­duction at madagdagan ang visual effects nito.

Samantala, dinenay ni Eugene ang issue na pi­nag­ba­bawalan na siya ng GMA 7 na lumabas sa ibang channel. Say ni Eugene, thankful siya na siya lang sa ngayon ang artistang puwe­deng maging Kapamilya, Kapuso at Kapatid.

Anyway, supposedly ay sa August 5 na magsisimula ang Inday Wanda.

Say ni Eugene, ihahain ni Inday Wanda ang kakaibang palabas na may halong komedya at pan­tasya na sinahugan ng mabubuting asal para sa mga manonood. “Siya ’yung masipag, puro ang pag-iisip at gustong makatulong. Sa mundo nila, alam nilang kailangan nilang proteksiyunan ang mga tao dito sa lupa. Kaya siya si Inday Wanda, wonder Wanda!”

Lingid sa kaalaman ng mga tao, isang katutu­bong angkan ng mga samahan ang nagprotekta sa mundo mula sa paghahasik ng kasamaan ng mga demon.

Dadalhin din daw ng palabas ang manonood sa makukulay at exciting adventures ni Inday Wan­da bilang isang kasambahay sa tahanan kung saan nakatago ang portal - baon pa rin ang mga katangiang nagdala sa kanya sa mundo, ang kabutihan ng loob at kakayahang mapa­ma­­hal sa mga tao. Siya ay magsisilbi sa pamil­ya ni Daddy Lee, ang guwapo ngunit malihim na ama ni Toni, ang matalinong teenage girl na may tina­tagong sikreto sa likod ng pagiging mahi­yain.

Ito rin ang unang programa ni Ariel Rivera sa TV5 at maging ang nanganak na dating Ka­puso star na si Alicia Mayer.

May special participation naman si Cogie Domingo.

Hindi solo ng TV5 ang nasabing programa. Ang Unitel Productions ang co-producer nila.

Ang Inday Wanda ay isinulat ni Dwight Gaston at dinirek ni Bb. Joyce Bernal.

***

Speaking of Direk Joyce. Asked kung kelan na ba talaga matutuloy ang pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez na last year pa yata sinimulan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matapus-tapos. Ayon kay Direk, wala pa ring maibigay na sche­dule kaya hindi niya alam kung kailan ba talaga matatapos ang nasabing pelikula.

***

Grabe nang magmura ang isang aktor. Ang lulutong ng kanyang PI samantalang dati, nagsi-share pa siya ng mga Salita ng Diyos as in parang umabot siya sa pagiging pastor.

Dati puro si Lord ang bukambibig niya. Literal na makokonsensiya ka pag kausap ka niya dahil puro tungkol sa kasalanan ng tao ang kanyang sinasabi. Pero ngayon, wala nang bakas ng pagiging masunuring alagad ng Diyos ang aktor. Ibang-iba na siya kung magsa­lita. Bawat sentence yata nang sinasabi niya, may kasamang mura.

Kahit ako ay nagulat sa mga lumalabas sa kan­yang bibig.

Well, baka naman pag may kausap lang siyang ibang tao ganun para macho ang dating. Pero pag sa bahay naman siguro, hopefully not, hindi siya ganun sa harap ng kanyang misis at dalawang anak - wala ang mga bad words sa vocabulary niya.

Maayos ang takbo ng career ng aktor ngayon kaya nakatatakang kung kailan bumongga ay saka niya naging expression ang PI.

***

True pala ang lumabas na issue na hindi suportado ni Sen. Tito Sotto ang bid sa pagka-presidente ni Sen. Fran­cis Pangilinan. Ayon kay Megastar Sha­ron Cuneta, masakit ang nangyari.

“Masakit. It hurts me very, very much. But I love him. I understand. I’m behind my husband 150%,” sabi ni Mega kahapon sa presscon niya for her Mega Drama concert na gaganapin sa Araneta Coliseum on August 7, 8:00 p.m.

Nakagugulat kasi ang nasabing issue dahil walang nagi-expect na hindi susuportahan ng kanyang ‘daddy’ ang kanyang asawa lalo na nga’t last minute ay ikinampanya niya si Sen. Tito. Tapos anak pa ang turing ni Madam Helen Gamboa-Sotto kay Sharon.

Iba talaga ang mundo ng pulitika.

Show comments