Kasupladahan Nina Kim At Erich inireklamo ng mga taga-NAIA

TRUE: Itutuloy na naman ang hearing ng kasong Republic Act 9262 na isinampa ni Katrina Halili laban kay Dr. Hayden Kho, Jr. sa Lunes, July 26 sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacio sa Pasig-RTC.

May dalawang witness pang pauupuin ang abogado ni Katrina, si Atty. Raymund Palad at kung ma-authenticate bilang ebidensiya ang lumabas noon na taped conversation nina Manay Lolit Solis at nina Hayden, Dr. Vicki Belo, at ilan pa nilang abogado, malamang na ipatatawag uli ang kontrobersiyal na talent manager/TV host para sagutin ang ilan pang katanungan kaugnay sa pag-uusap na iyon.

Pagkatapos nito ay si Hayden na ang isasalang sa witness stand. Ang hiling lang daw niya kay Dr. Belo, huwag na itong pumunta ng hearing kung sakaling siya na ang pauupuin bilang witness.

 “Kasi ang iniisip niya, ’pag nag-testify siya, he wants to say nothing but the truth and he doesn’t want to worry kung nakaupo ako run na baka masaktan ako or something so nakiusap siya, ‘Can you just not go para hindi na kita iisipin pa?’ Para dire-diretso ang testimony niya,” kuwento ni Dr. Belo sa amin.

TANONG: Suplada nga ba talaga itong sina Erich Gonzales at Kim Chiu? Iyon ang sumbong ng ilang airport officials na nakatsikahan namin sa NAIA kamakailan lang.

Mabuti pa ang ilang stars lalo na mga taga-GMA 7 dahil laging nakangiti sa kanila at walang karekla-reklamo sa mga gustong magpa-picture sa kanila. Pero itong sina Kim at Erich walang kaimik-imik na naka-shades lang at hindi namamansin sa mga taong bumabati sa kanila.

“Lalo na ’yang si Erich, sobrang suplada,” kuwento sa amin ng ilang airport officials na nakatsikahan namin.

TOTOO KAYANG natsugi na ang isang cooking show dahil sa kabadingan ng isa sa mga hosts nito?

Partner ng isang kilala ring celebrity itong celebrity chef na ito na napaka-cute pa naman pero isa palang lehitimong bading.

Nag-aalala ang production staff ng cooking show na ito dahil nakakarating na sa mga major sponsors ang mga kuwentong kabadingan ng celebrity chef.

Kapag nagtatanong sa kanila ang ilang advertisers kung totoo ba ang naririnig nila, super deny sila at pilit nilang pinagtatakpan ang totoong pagkatao ng celebrity chef. Pero talagang umaalingasaw ang kabadingan nito dahil hindi pa rin tumitigil sa mga adventures na ginagawa nito pagsapit ng gabi.

Nakarating din sa ilang advertisers na sumasali sa mga sex orgy itong si celebrity chef kaya na-turn off sila at gusto na nilang umatras bilang major sponsor ng naturang show. Kaya para hindi na lumaki pa ang isyu, minabuti nilang tsugihin na lang ang cooking show na ito.

TSIKA LANG: Hindi pa ganun ka-close si Elmo Magalona kay Dominic Roco na napabalitang kasintahan ngayon ni Maxene Magalona.

Sa presscon ng Kaya ng Powers, walang masagot si Elmo tungkol sa isyu ng kanyang Ate Maxene at ni Dominic dahil hindi pa niya gaanong kilala ang young actor.

Hindi rin niya alam kung talagang boyfriend na nga ba ito ng ate niya dahil hindi naman niya pinapakialaman ang lovelife nito. Basta kung saan masaya ang Ate Maxene niya, okay lang sa kanya.

Sey naman ni Dominic, dalawang beses pa lang sila nagkita ni Elmo at hindi pa sila gaanong nakakapag-usap pero mabait naman ito sa kanya at ang iba pang mga kapatid ni Maxene. Mabait din sa kanya si Pia Magalona kaya wala naman siyang problema sa pamilya ni Maxene.

Nag-i-enjoy lang sila sa malalim na closeness nilang dalawa at okay na raw muna iyon. Say pa nila, mas mabuting mag-focus muna sila sa kanilang career.

Hindi pa rin nila nasagot kung totoong mahigit apat na buwan na silang mag-on.

Show comments