^

PSN Showbiz

Talent manager natakot, reklamo sa PAMI binabawi; Movie nina Juday at Sarah naka-P10 million

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Nag-iba ng statement ang talent manager na si Arnold Vegafria sa inihain niyang reklamo sa Professional Artists Management Incor­porated (PAMI).

Ayon sa source, biglang binabawi ni Arnold ang nauna niyang reklamo na umano’y nilapitan ng lady boss ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar ang alaga niyang si Bianca King para i-manage.

Sa press statement ni Arnold sa ilang reporter, nagkamali raw siya. Ang alaga raw niyang si Bianca ang lumapit kay Ms. Annette para magpa-handle.

Isang sulat ang ipinadala ng PAMI kay Ms. Annette matapos magreklamo sa organisasyon ng mga talent manager ang miyembro nilang si Arnold. Sinulatan ng PAMI si Ms. Annette na galit na galit daw nang matanggap ang sulat. Pero bigla raw nakatanggap ng advice si Arnold na mamimiligro ang ibang mga alaga niya sa GMA 7 kung itutu­loy niya ang nasabing reklamo.

Kaso bago raw may mag-advice kay AV, nasulatan na si Ms. Annette ng PAMI at hindi na puwedeng bawiin.

Nakapirma sa nasabing sulat na natanggap ni Ms. Annette ang 15 member ng organisasyon – out of 21 members. 

Kagabi ay balitang nagkaroon ng emergency meeting ang organisasyon para pag-usapan ang biglang pagbabago ng desisyon ni Arnold.

***

Fifty years na pala ang Regal Films sa pagpo-produce ng pelikula. Pero walang planong tumigil ang pinakamatagal na production outfit ng bansa sa pagdadagdag ng bilang sa mahigit-kumulang nilang 1,200 naga­wang pelikula.

Si Mother Lily Monteverde na nananatiling movie fan hanggang ngayon ay patuloy ang pag­titi­wala sa kanyang filmmaking instinct at star-building expertise para mag-produce ng pelikula. Kung kaya naman kinikilala siya bilang batikan at longest reigning producer sa bansa.

Nagsimula ang Regal sa distribution ng Hollywood movie na All Mine To Give. Pagkatapos ay nag-release ito ng mga Japanese movies tulad ng Ultraman at God­zilla.

Hanggang simulan ng Regal ang paggawa ng award-winning dramas, love story, comedy, suspense thriller at fantasy-adventure.

Proud si Mother Lily sa lahat ng naging pelikula ng Regal sa loob ng limang dekada. ‘‘Hindi ako mapapagod sa pagpo-produce ng movies,’’ sabi ni Mother Lily. ‘‘Yan ang passion ko. Maraming producer ang huminto na sa pagpo-produce, pero kahit na mataas na ang production cost ngayon, gusto ko pa ring gumawa ng maraming magagandang projects sa Regal para ma-entertain ang mga manonood. Masaya ako sa pagpo-produce ng pelikula.’’

Mula sa pagbibigay ng big-budgeted projects sa maraming major stars hanggang sa paglo-launch ng pinakabagong loveteam, naniniwala si Mother Lily sa power ng cinema. Maraming showbiz stars ang nagtrabaho sa Regal — ang action king na si Fernando Poe Jr., ang comic trium­virate na sina Tito, Vic and Joey, Star For All Seasons na si Vilma Santos, Megastar Sharon Cuneta at Queen of All Media na si Kris Aquino.

Tuwang-tuwa rin si Mother sa lahat ng naging Regal babies niya — mula kina Gabby Concepcion, Richard Gomez, Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez and Carmina Villaroel, Gretchen Barretto, Dina Bonnevie, Aiko Melendez to Marian Rivera, Dennis Trillo, Carla Abellana, Andi Eigenmann, and Richard Gutierrez.

 ‘‘They were behind us in this journey that we started,’’ sabi ni Mother Lily. ‘‘Regal wouldn’t have made it this far without the stars and the entertainment press,’’ deklara niya.

Tumulong ang Regal na itaguyod ulit ang ABS-CBN sa pag-produce ng ‘di kumulang sampung television shows bawat linggo nang mag-resume ng operations ang Lopez-owned network. Nag-produce ang Regal ng maraming popular na mga TV shows tulad ng Regal Drama Presents, Palibhasa Lalake at Maricel Drama Special.

Para naman sa GMA 7, nag-produce din ang Regal ng maraming widely followed na mga programa tulad ng Mother Studio Presents and Regal Shocker.

Para sa ika-limangpung anibersaryo ng Regal, handog nito ang family comedy na Mamarazzi, starring Eugene Domingo.

Ito ang unang solo project ni Eugene para sa Regal at kasama niya sina Diether Ocampo, John Lapus, Carla Abellana at Andi, na ipi­nakikilala sa pelikula mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Si Roselle Monteverde-Teo, ang anak ni Mother Lily na katulong niya ngayon sa pagpapatakbo ng Regal, ay confident na ang Mamarazzi ay bagay na project para sa 50th Anniversary Celebration ng Regal. ‘‘Magaling na comedienne si Eugene at ginawa talaga itong project na ito para sa kanya,’’ saad ni Roselle.

Patuloy ang paglaki ng Regal bilang isang film production outfit. Gustong ipa­alam ni Roselle na magko-conduct din sila ng scriptwriting contests at workshops para ma-train ang mga bagong producers.

Ang vision para sa future ng local movie industry ay ipatutupad ng Regal Multimedia, na nagsisilbing execution arm para sa mga malalaking pro­jects ng kumpanya.

‘‘We want to nurture new artists, writers, actors, directors and production designers,’’ sabi ni Roselle. ‘‘We want to give jobs and op­portunity to young people and create workshops to cultivate their creative minds.’’

Marami pang big-budgeted at star-studded projects ang Regal na naka-lineup para sa taong ito. Kasama na rito ang dalawang entries ng kum­panya para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Ang horror-trilogy na Shake, Rattle and Roll XII ay magtatampok ng all-star cast na pinangungunahan nina Shaina Magda­yao, Andi Eigenmann, Rayver Cruz, Jillian Ward, Mart Escudero, Sid Lucero at Carla Abellana.

Sina Marian Rivera at Jake Cuenca ay magtatambal para sa fantasy-comedy na  Super Inday and the Magic Bibe, kasama sina Vice Ganda at Pokwang. Ang director ay si Mike Tuviera.

Isa pa sa 50th anniversary offering ng Regal ang suspense-thriller na White House, na si Topel Lee ang director. Starring sina Gabby Con­cepcion, Iza Calzado, with Lovi Poe, Megan Young, Maricar Re­yes, Mo Twister, Janus del Prado, and Joem Bascon. Ang remake naman ng Temptation Island ay ididirek ni Chris Martinez.

Ipinangako ng mag-ina na hindi titigil ang Regal sa pagpo-produce ng malalaking pelikula na pagbibidahan ng mga sikat na artista. 

***

Bongga, naka-P10.5 million sa opening day ang pelikulang Hating Kapatid nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos.

Expected ang kita ng nasabing pelikula dahil very positive ang feedback ng pelikula ng dalawang box-office queen.

CARLA ABELLANA

LSQUO

MOTHER LILY

MS. ANNETTE

PARA

PELIKULA

REGAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with