Dra. Belo ipinag-shopping ni Hayden ng mamahaling damit

TRUE : Hindi itinatanggi ni Dr. Vicki Belo na magkasama sila ni Dr. Hayden Kho, Jr. na nag-shopping sa Eastwood nung nakaraang Sabado.

Pero hindi ang doktora ang nag-shopping para kay Hayden kundi mismong ang huli raw ang bumili ng isang mamahaling damit at inire­galo ito sa kanya. Kaya sobrang touched si Dr. Belo sa ipinapakitang sweetness ni Hayden sa kanya.

 Pagkatapos nun ay magkasama silang nano­od ng concert ni Charice. Ninang kasi ni Charice si Dr. Belo pero Ninong din ang tawag nito kay Hayden.

Consistent pa rin ang mga pahayag ni Dr. Belo na special friendship ang meron sila ni Hay­den at hindi sila lovers. Kahit magkaroon pa ng ibang girlfriend si Hayden, susuportahan pa rin daw niya ito at mananatiling magkaibigan pa rin sila.

Malapit nang isalang si Hayden sa witness stand sa kaso nito kay Katrina Halili at huwag na raw pumunta sa hearing si Dr. Belo dahil pa­wang katotohanan ang sasabihin nito at baka ma­saktan na naman ang doktora.

TANONG : Maniniwala ba kayo na ang huling pakiki­pag-inuman ni Baron Geisler ay nung may nangyaring gulo sa kanila ni Julia Clarete?

Nangako na naman kasi si Baron nang ma­nalo siyang best actor sa 6th Cinemalaya In­de­­pendent Film Festival na this time magba­bago na raw talaga siya.

Malaking tulong sa pagbabago niya ang mga ibi­ni­gay na trabaho ng ABS-CBN. Sa rami ng mga ginagawa niya, wala na siyang panahong ma­kipag-inuman. Ang huling pakikipag-inuman nito na nalasing siya ay nung may ginawa nga siyang hindi maganda kay Julia.

Sana mabigyan siyang muli ng isang pagka­kataon dahil sabi nga ni Direk Mark Meily sa kan­ya, siya na si “Baron Bagong Buhay.” Bale siya na ang counterpart ni Rustom Padilla na naging BB Gandanghari.

So, gaya ni BB, sasabihin din kaya niyang Ba­ron Geisler is dead, here comes Baron Ba­gong Buhay?

TOTOO KAYANG meron nang nag-back out sa celebrity edition ng Survivor Philippines?

Parang gusto naming paniwalaang true ito dahil nakita na namin dito ang ang isang magan­dang baguhang young star na napabalitang nag-back out.

Nung nakaraang weekend lang namin nakita ang celebrity na pakalat-kalat sa Republiq sa The Fort. Pero hindi ito nagsalita tungkol sa pag­sa­li niya sa Survivor Philippines.

Ang kuwentong nakarating sa amin, dala­wang araw pa lang sa isla ang baguhang young ac­tress ay umatras na ito at gusto na niyang umu­­­wi. Feeling niya, hindi siya makaka-survive sa hirap na pagdadaanan sa nasabing isla kaya naki­usap na lang itong umuwi.

Iritang-irita nga ang isa pang young actress dahil gustung-gusto nitong sumali pero hindi siya ang isinama dahil mas pinili pa itong umat­ras na baguhang young star.

TSIKA LANG : Kabuwanan na ni LJ Reyes at hirap na ito sa pagkikilos dahil sa laki ng tiyan.

Sa New York ito manganganak kaya wala ito sa awards night ng Cinemalaya nang manalo siyang best supporting actress para sa peli­ku­lang The Leaving.

Nag-post na lang ito sa kanyang Twitter ac­count ng kanyang acceptance speech nang ma­la­man niyang wagi siya at ito ang kauna-unahan niyang acting award.

Tweet ni LJ: “Just woke up to a very honoring news! Thank you!! Iba yata talaga suwerte ng bun­tis! I feel heaven! Thank you Lord! Thanks The Leaving, Ian and Ate Kat! This is so over­whelming! Nakakaiyak naman!”

As of now, wala pang katiyakan kung maka­ka­sunod si Paulo Avelino sa Amerika. Dala­wang beses na kasi siyang na-deny sa US Em­bassy pero humihingi na ito ng tulong na mabig­yan siya kaya umaasa pa ring makapunta siya ng US para masamahan naman si LJ sa panga­nganak nito.

Show comments