MANILA, Philippines - Matapos ang big break sa McDonald’s TV commercial na ginamit ang Eraserheads song na Ang Huling El Bimbo, nagsimula na ang showbiz career ni Gino dela Peña.
Dumaan sa ilang acting workshops sa GMA Artist Center (GMAAC), napansin din ng PLDT MyDSL ang talento at hitsura ni Gino kaya napasama siya sa hilera nina Ryan Agoncillo, Rhian Ramos, Isabel Oli, Stephanie Henares, Stef Prescott, at Victor Aliwalas.
Pero ang biggest break sa telebisyon ngayon ng newcomer ay ang X Life ng QTV 11 na kalulunsad lang noong June 2. Kasama niya rito sina Stephanie at JC Tiuseco at umeere ang show tuwing Miyerkules ng alas-diyes ng gabi.
Excited dito ang baguhang si Gino dahil tungkol sa healthy and active lifestyle ang nasalihan niyang programa. Passionate rin kasi siya sa sports.
“I’ve been wanting to be in a show like this since I was a teenager, having been a fan of TV shows such as Sports Unlimited and Gameplan,” sabi ni Gino.
Sa pagiging aktor naman, pinahahalagahan din niya ang break sa Kaya Kong Abutin ang Langit. Wish kasi ni Gino na makaganap ng mga kakaibang role tulad ng idol niyang si Johnny Depp.
Pero kahit ma-involve sa kinang ng entertainment industry, isang X sa buhay ni Gino ang magiging laging taga-pagpaalala niya si Kristo.
Active kasi ang TV host-actor sa church work niya.
“I can proudly say that my involvement in church is the one thing that is keeping my foot on the ground,” sabi ni Gino. “Lahat ng blessing ko sa showbiz ay galing sa Kanya. Believe that when He gives you a gift, He will also give you the grace and love to take care of that gift He gave you.”
Kaya ang pangako ni Gino, magiging responsible siya at may disiplina dahil iyon ang balik niya bilang pasasalamat sa Panginoon.
Dagdag pa niya, “I want to be an actor and host who would stand in for what he believes in and acknowledge that every talent is just borrowed from God.”