^

PSN Showbiz

Annette Gozon, inireklamo sa PAMI!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Walang gustong magsalita tungkol sa inihaing reklamo ng talent manager na si Arnold Vegafria laban kay Ms. Annette Gozon-Abrogar sa Professional Artists Managers Inc. (PAMI).

Pero isang source ang nag-confirm na totoong may formal na reklamo si Arnold kay Ms. Annette.

Ayon sa isa pang source, maghintay lang daw ng ilang araw at lulutang na ang ugat ng problema ng dalawa.

Si Ms. Annette ay anak ng big boss ng GMA 7 na si Mr. Felipe Gozon at big boss ng GMA Films at maging sa GMA 7.

May idea na kami pero saka na.

***

Handa nang makipagsabayan ang TV5 sa pag-develop ng mga talents. Yup, dahil meron na silang Talent5, ang talent management and development division ng network na magiging katapat ng Star Magic ng ABS-CBN at Talent Center ng GMA 7. Ang theater actor-director at re­si­dent judge ng Talentadong Pinoy na si Audie Gemora ang napiling head ng Talent5 na ma­mumuno sa paghahanap at pag-aalaga ng mga talentong kanilang didiskubrehin at magbibida hindi lang sa TV5 kundi sa lahat ng larangan ng show business.

“Talent5 will be a home for future stars and a home where every single one of them will be accommodated,” sabi ni Gemora. “I want to study very well how to manage their careers, not just as stars of the station itself but as total stars in the making.”

Bakit ba si Audie ang napili ng TV5 na maging head ng Talent5?

Ayon sa dating singer, malawak ang kaalaman niya bilang artista, singer at nakatapos sa La Salle.

Presidente rin daw siya ng Trumphets.

Ayon sa TV5 Entertainment and Creative Services head na si Perci Intalan, napili ng net­work si Gemora dahil malawak din ang background ni Gemora bilang teacher at mentor sa mga young perfor­mers. “With Audie in charge of discovering and developing new talents for the network, we are assured that our upcoming stars will be in good hands,” dagdag ni Intalan.

At dumaan daw sa normal process si Audie para makuha ang nasabing posisyon.

Para pasimulan ang paghahanap ng mga bagong mukha na igru-groom ng Talent5 bilang artista na sinabi ni Audie na hindi lang lilimitahan sa paglabas sa kanilang network, ilo-launch nila ang pinakabagong talent search, ang Star Factor.

Isang buong araw ng Star Factor auditions ang gaganapin sa July 25 sa SM Mall of Asia at susundan ito ng regional auditions sa SM Davao sa August 1 at SM Cebu sa August 7.

Si Gemora ang chairman ng Star Factor panel of judges, ang Star Makers, na kabibilangan din ng kilalang director na si Joey Reyes, ang fashion photog­rapher na si Raymund Isaac at ang music icon na si Mr. Ryan Cayabyab at talent manager na si Ms. Annabelle Rama.

Bukas ang Star Factor para sa mga kabataang edad 13-18 na hahanapan ng total package ng good looks, exceptional talent and charm, at ng star potential na ide-develop ng Talent5 para maging susunod na teen idols.

Kabilang din sa mga plano ng Talent5 ay ang pagta­tayo ng Talentado Center kung saan iha-handle ang career at bookings ng mga past, present at future contestants ng Talentadong Pinoy.

Bukod kay Audie, present din sa ipinatawag na presscon ng TV5 si Direk Joey.

Marami ring plano si Direk Joey ngayong nasa TV5 na siya.

Isa rito ang pagtatayo ng Showbiz School. Isang eskuwelahan na magtuturo ng mga bagay na sa pakiramdam ni Direk ay kinakapus ngayon ang showbiz.

 Plano rin daw nilang ibalik ang dignidad ng pagiging artista. Natatandaan pa niya noon na may kausap siyang beteranang artista na nagsabi sa kanyang dumaan siya (veteran actress) sa butas ng karayom bago siyang tinawag na artista. Ngayon daw say ni Direk Joey, madaanan lang ng camera, artista na agad.

Goodluck to direk Joey and Mr. Gemora.

Mahirap-hirap ang pagdadaanan nilang butas. Hindi madaling gawin ang maghanap ng artista at magpasikat. (SVA)

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

ARTISTA

AUDIE

AYON

DIREK JOEY

GEMORA

MS. ANNETTE

STAR FACTOR

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with