^

PSN Showbiz

Yayo malaki ang ipinagbago

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tuloy ang laban ni Manny Pacquiao sa Nov. 13 pero hindi sure kung si Floyd May­weather, Jr. ang kanyang katunggali.

Basta ang sabi ng source ko, siguradong may laban si Manny sa November at ito ang paghahandaan ng Pambansang Kamao sa mga susunod na buwan.

Nag-iinarte kasi si Mayweather, Jr. na nag-aakala yata na hahabulin siya ng kampo ni Manny. Buhkit? Siya lang ba ang boksingero sa buong mundo?

***

Malapit na akong maniwala na si Cesar Flores ng Smartmatic ang nagpapaganda ngayon kay Ruffa Gutierrez.

Ang ganda-ganda kahapon ni Ruffa sa Paparazzi. Blooming na blooming siya at kumikislap ang kanyang mga mata kapag nababanggit ang name ni Cesar.

NFF o new found friend ang tawag ni Ruffa kay Cesar. Wala sa Pilipinas si Cesar dahil nag­punta ito sa Europe at hulaan ninyo kung sino ang source ng balita? Si Annabelle Rama na alam din ang schedule ni Cesar. Boto kaya si Bisaya sa binatang Venezuelan na nali-link sa kanyang anak?

***

Naintriga ako sa sinabi ni William Martinez na malaki ang ipinag­bago ni Yayo Aguila mula nang pumasok ito sa Pinoy Big Brother House.

Mukhang malalim ang ibig sabihin ni William kaya curious ang mga tao. Type nilang malaman ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Wil­liam at Yayo na tumagal din pala ng 27 years.

Halata sa mukha ni William ang lungkot, lalo na nang sabihin niya na si Yayo ang umalis sa kanilang bahay at nakatira sa kanya ang lahat ng mga anak nila.

Walang ipinagkaiba ang paghihiwalay nina Yayo at William sa hiwalayan noon nina Ramon “Monching” Chris­topher at Lotlot de Leon. Wala tayong nabalitaan na may third party sa hiwa­layan nila. Basta isang umaga, nagising na lang si Lotlot na hindi na niya type na makisama kay Mon­ching. Ganoon din ang nangyari sa relasyon nina William at Yayo.

***

Binayaran pala ni Lani Misalucha ang mga tao na nag-invest noon sa networking atsutsutsu na nagpahirap sa kanila ng kanyang asawa.

At least, walang guilt na nararamdaman si Lani dahil taas-noo niya na masasabi na wala silang inagrabyadong tao.

Aral sa lahat ang nangyari kay Lani at sa ibang mga artista na naging biktima ng pyramid scam. Huwag na huwag kayong papasok sa isang negosyo na madali ang datung dahil naka­katakot ang magiging kapalit nito. Matuto kayo sa mga karanasan ng mga biktima ng net­working scam.

***

Nabuhay uli ang isyu tungkol sa pagpapa­ka­sal nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa dahil sa interbyu kay Dina Bon­nevie ng Paparazzi.

Kinumpirma ni Dina ang balak nina Oyo at Kristine na mag­pakasal pero hindi siya nagbigay ng detalye dahil baka pagalitan na naman siya ng kanyang anak.

Nag-react daw si Oyo noon dahil sa pag­sasalita ni Dina tungkol sa wedding plans nila ng kanyang girlfriend.

vuukle comment

CESAR FLORES

DINA

DINA BON

FLOYD MAY

KRISTINE HERMOSA

LANI

SHY

YAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with