TV5 gamit na ang virtual studio technology sa news broadcast

MANILA, Philippines -Patuloy ang pangunguna ng TV5 sa paghahatid ng pinakabagong teknolohiya sa Philippine TV broadcasting. Ipakikilala ng Kapatid Network sa mga Pilipino ang makabagong pagbabalita gamit ang leading edge virtual studio technology. “This is a first in Philippine broadcast history and this will place TV5 in step with the leading news broadcast organizations around the world,” ayon kay Atty. Ray Espinosa, presidente at CEO ng TV5.

“TV5’s investment in world class technology for its news organization reflects its commitment to deliver news in a way that is both highly informative and very appealing to the Filipino viewers,” dagdag pa ni Atty. Espinosa.

Kasalukuyan nang ginagamit ng pinaka­malalaking news organizations sa buong mundo tulad ng CNN, Fox News at NBC News sa US; RTL TVI sa Belgium; RTP sa Portugal; Star TV sa Greece; Zee TV sa India; BSkyB sa UK; Global TV sa Canada; ESPN sa Singapore; at ng Phoenix TV sa Hong Kong ang virtual sets sa kanilang news broadcast.

Ang Orad ang pinagkatiwalaan ng TV5 na maghatid ng state-of-the-art virtual studio technology sa istasyon. Ayon kay Benjie Fernandez, Chief Information and Technology Officer ng TV5, “The network’s Orad virtual studio system is matched with TV5’s high definition (HD) production capabilities and will seamlessly integrate with TV5’s planned implementation of leading edge newsroom auto­mation systems.” 

Ang Orad ang pinakamalaki at pinaka-nangu­ngu­nang tagapag-hatid ng advanced virtual studio solution gamit ang kanilang mahigit 500 installations sa buong mundo.

“Maari nang mapanood ng mga Pilipino ang pina­kamaiinit na balita gamit ang rich visuals at informative graphics,” dagdag ni Luchi Cruz-Valdes, TV5 News and Information Head.

Dagdag pa ni Fernandez, “On top of the back­ground graphics of the virtual studio, foreground gra­phics such as supers, tickers, and any other type of graphics can be generated and aired on a real-time basis. The Orad virtual studio technology is capable of using real-time data to display up-to-the minute graphics.”

Kung nagandahan kayo sa mga bakasyunang dinalaw sa Rizal, ngayong Ling­go, alas-diyes ng umaga sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng ScriptoVision sa QTV-11 ay bibiyahe naman siya sa La Union.

Alam n’yo bang di na ninyo kailangang lumipad pa sa Greece para magpasarap sa Santorini Resort doon? O kaya’y sa Malibu para mag-surfing? Yes, dahil may­roong mga ganitong lugar sa La Union.

Mayroon doong Thunderbird Resort na matatagpuan sa San Fernando, sa Poro Point na dating lugar ng US Air Force Base. Ito ang Santorini ng RP na may 36 room hotel, 18 hole golf course, 115 room beachside hotel at magagandang kai­nan at inuman. Mayroon ding casino. Binuksan ito nung April, 2008 at dinarayo ng mga turista.

Looking for a place to surf? Tapos na ang paghahanap mo dahil mayroong Lebay Bay sa Urbiztondo, La Union na Malibu of RP naman. 

Show comments