Marian hindi na binibigyan ng dialogue sa TV commercials

Seen : Sina Ogie Alcasid at Regine Velas­quez sa screening ng MKAK sa CCP. Sinu­portahan nina Regine at Ogie ang unang pelikula na isinulat, pinrodyus at pinagbidahan ni TJ Tri­nidad. Kapareha ni Regine si TJ sa Diva.

Scene : Si Audie Gemora ang head ng Talent Mana­gement Division ng TV5.

Seen : Malabong pagbigyan ni Cesar Mon­tano ang imbitasyon ng PAMI na makausap siya hangga’t hindi nakikipag-usap sa kanya ang “mana­ger” na si Norma Japitana.

Scene : Emosyonal ang ilan sa mga miyembro ng PAMI sa isyu nina Cesar at Norma.

“We should ban Cesar Montano,” ang sug­gestion ng talent manager na si Arnold Vegafria.

“We should have a strong statement. Cesar blatantly disrespected Norma. A PAMI member, a veteran in the industry, a good decent lady,” ang comment ni Joji Dingcong.

Seen : Unbecoming for a congressman ang light brown color ng buhok ni House Repre­sen­tative Dan Fernandez.

Scene : Nakakauya ang pagpapa-cute ka­hapon ni Donita Rose sa Showtime. Hindi nagka­mali ang televiewers na iboto siya na mabura bi­lang hurado.

Seen : Ang observation na hindi na binibigyan si Marian Rivera ng speaking lines sa kanyang mga TV commercial. Malungkot ang critics ni Ma­rian na walang ginawa kundi bantayan ang kan­yang pronounciation sa English words.

SCENE : Inaabangan ang pagsasalita ni Pia Gua­nio sa Showbiz Central  tungkol sa paghi­hi­walay nila ni Vic Sotto.  Kung ano ang ingay noon ni Pia nang aminin niya ang relasyon nila ni Vic, kabaligtaran ngayon ang eksena.

Show comments