MANILA, Philippines - Naglabas ng official statement ang Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI) kaugnay sa inihaing reklamo ng ka-miyembro nilang si Ms. Norma Japitana sa ginawang paglipat ng aktor na si Cesar Montano sa GMA 7. Pumirma ng kontrata si Cesar the other night at ang kanyang business manager na si Ms. Shirley Pizarro ang nag-represent sa kanya.
Narito ang kumpletong statement ng PAMI.
“THE PAMI had an emergency meeting with one of its members Ms. Norma Japitana after she officially filed a complaint with the organization. Cesar Montano entered into a contract with GMA 7 without the knowledge of Norma Japitana, his manager of 26 years. Last night we personally invited Mr. Cesar Montano for a dialogue with the organization sometime next week. We are waiting for his confirmation.”
Sinabi ni Cesar sa mga nakausap niyang writer sa contract signing niya sa GMA 7 na alam ng kanyang manager ang ginawa niyang pagpirma ng kontrata.