“Materialistic starlet” ang tawag ng staff ng isang talent management sa isa nilang contract star dahil nginangarag nito ang kanyang manager na ibili siya ng car. Ang rason ng binata kung bakit gusto niyang magka-kotse ora mismo ay dahil baka pagkaguluhan siya ng fans ‘pag pumunta siya sa mall.
Hindi nagbago ang pagnanasa ng newbie na magkaroon ng kotse kahit ipinamukha sa kanyang wala pa siyang enough money na pambili ng car dahil wala pa siyang regular show at sa ngayon sa mall show at sa church lang siya madalas kumanta.
Wala pa ring reaction ang new actor sa sinabi pa rin ng staff ng kanyang management na kahit sumasakay siya sa MRT ay hindi siya pinagkakaguluhan, kaya ‘wag muna siyang mangarap ng kotse.
Tingnan natin kung magiging successful ang talent sa pangungulit sa kanyang manager na ibili siya ng kotse.
* * *
Pareho sa sagot ni Maricel Soriano na “gusto ko ng trabaho” ang sagot ni Cesar Montano kung bakit lumipat siya sa GMA Network. Wala raw offer ang ABS-CBN sa kanya at ‘yung pelikulang dapat niyang gawin sa Star Cinema ay hindi natuloy.
“I just grab the opportunity dahil maganda naman ang offer ng GMA 7 at kailangan ko ng trabaho. I have to feed my family at marami pa akong gustong gawin na ‘di mangyayari kung wala akong ginagawa,” ani Cesar.
Sa sinasabing gagawa sila ng sitcom ni Maricel sa Channel 7 at Andres de Saya raw ang title, “wow” lang ang nasabi ni Cesar at sinundan na wala pa siyang alam kung si Maricel nga ang makakasama sa gagawing sitcom.
Sa ngayon, ang teleseryeng wala pang title ang ginagawa ni Cesar dahil papalitan yata ang title na naunang nasulat na Romana Santa.
“It’s not a bad idea at nakakatuwa. Nami-miss ko na si Marya, matagal ko na siyang ‘di nakikita. Lahat nang ginawa namin nag-i-spark and we can make beautiful music here in Channel 7,” wika ni Cesar.
Kinumpirma ni Cesar na may offer sa kanya ang TV5, pero hindi na puwede dahil sa GMA 7 siya pumirma ng kontrata.
Puwede siyang gumawa ng pelikula sa TV5 at inilapit na niya ang movie project na pini-pitch niya sa GMA Films at ito’y ang Francisco Dagohoy at Sakada.
* * *
Introducing ang billing ni Vice Ganda sa poster ng Hating Kapatid, pero na-introduced na siya sa In My Life at kasama rin siya sa pelikulang Noy. Kaya ang tanong ng press sa presscon ng Viva Films movie na showing sa July 21 ay kung ilang beses pa siyang i-introduced?
“Hindi ko rin alam kung bakit introducing pa rin ako rito, pero masaya ako na nasa poster ang pangalan at picture ko,” sagot ng komedyana.
Maipagmamalaki ni Vice na malalaking artista ang nakakasama niya sa pelikula from Vilma Santos, Luis Manzano and John Lloyd Cruz at sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo sa Hating Kapatid. Si Luis pa rin ang kasama niya sa Petrang Kabayo na siya na ang bida at si Wenn Deramas pa rin ang director.
Samantala, sa July 19 ang premiere night ng movie sa Cinema 3 sa Glorietta 4 at Cinema 10 ng SM Megamall. This Saturday, may mall tour ang cast sa SM North The Block, 3:30 p.m.; Glorietta 4, 6:00 p.m.; at SM San Lazaro, Manila sa Sunday.
* * *
Ano kaya ang mararamdaman ni Kris Bernal na tinapos lang ang The Last Prince nila ni Aljur Abrenica at ipinareha na ang actor sa ex-GF na raw nitong si Rich Asuncion sa Hostage episode ng Claudine ni Claudine Barretto na mapapanood this Saturday.
Tiyak na ‘pag maganda ang feedback sa pagsasama ng mag-ex, masusundan pa ang kanilang trabaho together.