MANILA, Philippines - Libu-libong rakista ang nakibahagi kamakailan sa pagbubukas ng ika-12 taon ng pinaka-astig, pinaka-maingay, pinaka-sikat, at pinaka-malaking patimpalak sa larangan ng pagtugtog ng rock: Ang Red Horse Beer Muziklaban.
Ang malaking concert na ginanap sa Metrowalk Complex sa Pasig ay nagsilbi ring live audition ng ilan sa mga nagbabakasakaling maging hari ng rock and roll sa taong ito.
Ang patimpalak ay pinangunahan ng mga bigating banda gaya ng Slapshock, Greyhoundz, Pupil, Kjwan, Wilabaliw, Radioactive Sago Project, Typecast, the Chongkeys, Brownman Revival, at iba pa. Ang mga dating nagwagi sa Muziklaban gaya ng Mayonnaise, Hardboiledeggz, Gayuma, Even, at Hatankaru, ay nagpasiklaban din sa rakrakan.
Mahigit isang dekada na ang Red Horse Beer Muziklaban. Ngayon hindi lamang ito para sa mga rakista at musikero. Mayroon na ring labanan ng mga magagaling sa tattoo, extreme sports, at independent filmmaking.
Walang iba kundi ang bigating tattoo artist na si Ricky Sta. Ana at extreme biker na si Armand Mariano ang personal na nagsalita at nagbigay ng inspirasyon ang mga kabataang nagnanais pumasok sa kani-kanilang industriya. Ipinalabas din ang Kwentong Gidiyap, ang nanalong best indie film noong isang taon.
Bago matapos ang pagdiriwang, hinamon ng beer sponsor ang lahat ng mga rakista, tattoo artist, extreme athletes, at mga direktor na makibahagi sa 2010 Red Horse Beer Muziklaban at ipakita ang kanilang galing.
Upang makasali sa Red Horse Beer Muziklaban Rock Challenge, makipag-ugnayan lamang kay Rona Beano (0916-644-6778). Para sa mga interesado sa Extreme Sports, maaring sumali sa labanan sa Cebu (Gaisano Mall, August 28), at Sta. Lucia East, Rizal (November 27).
Para sa mga gustong sumali sa Tattoo Body Art, tandaan ang sumusunod na petsa at lugar — Beside, Makati (July 24); Cavite (Aug. 28); Willis Bar, Olongapo; Ji Lounge, La Union (Oct. 23); Padi’s Point, Baguio (Nov. 20); and, Paradiso Grill, Boracay, Aklan (Dec. 18).
Sa mga gusto namang sumali sa Indie Filmmaking, mag-log on lamang sa www. redhorsebeer.com. Makibahagi na sa lumalaking samahan, samahang walang kapantay, at samahang astig!