Showtime tumatanggi na sa mga komersiyal
Hindi ko naman masisi ang isang taga-It’s Showtime na magyabang sa pamamagitan ng pagsasabing tumatanggi na sila sa mga komersiyal dahil baka naman totoo ngang puno na sila, hindi kasi ako nakakapanood ng kanilang show at inirerekomenda na nila sa mga kliyente nila na ibigay na lamang ito sa katapat nilang programa na Diz Iz It! Pero tumatanggi raw ang mga advertisers nila dahil wala raw nanonood ng nasabing programa ng Siete.
Naman! Baka naman mas marami lang ang viewers nila kesa sa programa ng TAPE pero hindi ibig sabihin ay wala nang nanonood sa programa nina Bayani Agbayani, Sam YG, Ehra Madrigal at Grace Lee.
Napaka-irresponsible naman nang nagsabi nito. Hindi na lang sila maging maligaya sa pagiging No. 1 nila. Kailangan pang ipangalandakan.
* * *
Happy ako sa pagkakasundo nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. I just hope na inurture ni Patrick the time he spends with his son. Make the most of their time together. Ngayon lang sila nagkasama ng bata and I heard tinatawag na siyang daddy nito. He should be like a father to his son, hindi lamang sa pangalan kundi maging sa gawa. Huwag siyang gumaya sa maraming single dad na katulad niya na sa pangalan lamang ng ama. He should help Jennylyn in raising their son, emotionally and financially. Dapat magkaroon siya ng obligasyon sa bata, para ang magandang relasyon nila ngayon ni Jennylyn ay hindi na maputol pa.
* * *
Nakapagtataka ba kung hindi man banggitin ni Luis Manzano ang pangalan ni JC de Vera sa pagpo-promote nito ng pelikula na pinagsasamahan nilang dalawa kasama sina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos? Eh baka naman ipinagbabawal ito ng network na kinabibilangan ni Luis, ang ABS CBN. At si JC ay artista ng kalabang network nito na TV5.
Hindi naman siguro nai-insecure si Luis kay JC dahil obviously, mas flourishing ang career niya.
Network war lang talaga. Mama Annabelle, walang personalan. I’m sure magkakakilala at magkakaibigan ang mga ‘yan pero I’m sure sumusunod lang sila sa patakaran.
* * *
Kinailangan pa ang isang Kobe Bryant para mapag-aral ang ilang Pilipino na walang kakayanang mag-aral eh, ang dami-daming Pilipinong may kakayahang gawin din ito. Ang daming pera, pero nakatago lang sa bangko. Hindi naman siguro sila maghihirap kapag tumulong silang magpaaral ng mga kababayan natin.
Mababawasan ng malaki ang bilang ng mga hindi nakapag-aral kung ang bawat isa sa ating may kakayahan ay makapagpaaral ng kahit isa lamang.
Napakalaking bagay na ito para mabawsan ang mga mangmang sa ating bansa. Huwag na natin silang iasa pa sa gobyerno dahil matatagalan pa bago ito makaahon sa mga corrupt na nagpatakbo nito in the past.
Tayu-tayo na lang ang magtulungan. Gamitin na natin sa mabuti ang pera natin dahil maikli lang ang buhay. Hindi natin madadala ang pera kapag nawala na tayo sa mundong ito. Kayo rin!
- Latest